Sa panliligaw mga babs dapat maging 'kakaiba' ka sa paningin ng chika babes na target lalong-lalo na kung attractive siya. Isa ito sa pinakamabisang sandata kung ayaw mong malimutan ka ng chika kahit na hindi pa kayo close. Kung binibigyan ng ibang lalake ang chika ng isang tumpok ng red roses at kung anu-anong klase ng mga bulaklak na makikita sa garden, syempre ikaw hindi mo gagawin ang ginawa nila. Kung binibigyan nila ng teddy bears at Barney na stuff toy ang chika babes, huwag kang magbigay. Tatatak sa utak ng babae kung bakit hindi mo ginagawa ang ginagawa ng iba. Dahil dyan dadalawin ang chika ng curiosity at magiging interesado ang chika sayo. Kung dumating ang pagkakataon, banatan agad ng malulupit na 'da moves' na itinuro ko dito sa dati kong mga post. Importanteng kung gawin mo ang 'da move' na'to, magpakita ng interes sa babae sa pamamagitan ng body language o sa eye contact mismo. Baka ma-misinterpret n'ya ang pag-snab mo mahirap na.
Payong panliligaw: May common sense
Hindi na dapat pino-post ang mga ganito pero recently meron na naman akong katropa na hindi ginamit ang utak sa pagporma ng chika babes. Mahirap magmukhang tanga sa chika na target. Kumain ng maraming munggo o hindi kaya mani mga babs. Nakakapagpatalino daw 'yan. Iwasan ang pagkain ng taba ng baboy . Nakabobo daw ang sobrang mantika sa utak...
"LIFE IS UNFAIR/FAIR"
. Totoo nga ang kasabihan mga babs na napaka-unfair ng buhay ng tao. Nagiging unfair dahil minsan pumapasok sa ating mga utak kung bakit magkakaiba ang estado ng buhay ng iba kaysa sa atin. Ang iba may kakayahan na bumili ng mga bagay na ninanais nila habang ang iba ay hindi. Kung tutuusin mga babs ang maituturing parin natin ang ating mga sarili na 'swerte' kaysa sa iba. Tumigil muna kayo saglit sa ginagawa ninyo at humanap ng upuan(kung walang upuan na makita, umupo na lang sa sahig. Wag maarte). Isipin ninyo lahat ng mga bagay na maituturing ninyong 'swerte' sa buhay ninyo. Mga bagay na meron kayo na wala ang iba. Dapat matutunan ninyong i-appreciate ang mga bagay na meron kayo dahil kinalaunan 'yan ang magbibigay sa inyo ng motivation na tumulong sa iba. Trust me mga babs...
Sylk's Words of wisdom
Ang buhay natin sa mundo ay walang katiyakan. Alam n'yo mga babs masyadong maiksi ang buhay ng tao. Mahirap isipin na maaalala tayo ng mga naiwan natin dahil sa mga kalokohan at katarantaduhan na ginawa natin habang nabubuhay tayo. Kaya hanggat maaari mga babs, gawin ninyong makabuluhan ang buhay ninyo sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay. Mga bagay na higit na makikinabang ang kapwa mo. Kinakailangan mo lang pakinggan ang puso mo at kagustuhan mong magbahagi ng konti biyaya sa iba. Dahil ang mga mabubuting mga bagay na ibinahagi mo sa iba ay magsisilbing 'logbook' sa kung gaano ka kabuti noong nabubuhay ka pa. At kung gaano kabuti ang isang tao, mas lalong tatatak sa puso ng mga naiwan mo ang mga bagay na ginawa mo na magsisilbing motivation sa kanila na gumawa din ng kabutihan sa kapwa. Pero kung gusto mo talagang hindi ka nila malimutan utangan mo ng malaking halaga ang lahat ng kakilala mo. Promise epektibo 'yan. Baka gawan ka pa nila ng monumento.
(hindi related ang video sa taas)
"JEJETANK"
"Jejetank" daw tawag dito mga babs. Ayon sa aking source huling ginamit ang sasakyang pandigma na ito noong kapanahunan na nagkaroon ng alitan ang mga drug addict sa kanto at ang mga jejemons kung sino ang magha-harvest ng tinanim nilang marijuana doon kina Aling Loleng. Kargado ng kalawang at hindi mabilang na mga monoblock chairs, ang sasakyang ito ay ginamit bilang sasakyan na pantakas ng nalalabing mga jejemons na naglipana sa kapanahunan natin ngayon.
Umay video hits: COVERS
Makapangyarihan ang 'social media' mga babs. Kaya mong maging sikat sa buong mundo sa isang iglap lang at kaya mo ring mang-g*ago ng iba depende sa'yong choices. Pero kadalasan talaga mga babs lalong-lalo na sa mga social-networking sites ginagamit ang kapangyarihan ito para mang-g*go at mambadtrip ng kapwa.
Sa video, parang lumalabas na gusto talaga ng gumawa nito na sirain ang araw ng mga taong maligaw na ma-click ang ginawa n'yang video. Kung ano ba talaga ang intensyon ng taong 'yan sa paggawa ng video eh walang nakakaalam. Tutal idol naman n'ya si Justin Bieber eh kaya hayaan na.
"SHARING-SHARING"
Alam kong minsan na din kayong naging biktima ng ganitong mga larawan na kumakalat sa mga social-networking sites. Alam n'yo mga babs maraming mga paraan para mapakita sa iba kung gaano ka devoted sa iyong relihiyon at isa na dito ang simpleng pagbibigay ng tulong na kaya mong ibigay sa mga taong nangangailangan. Badtrip ang blog na ito sa ganyang mga larawan na animoy parang nagbabanta sa'yo na kung hindi mo daw i-share o i-like ang ganitong mga kalokohan eh hindi mo daw love si Papa Jesus.
"You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes His name in vain."
Remember n'yo pa mga babs ang 10 commandments? Nasasaad sa ikatlong bilang nito na 'wag na 'wag mong gamitin ang pangalan ng diyos sa mga bagay na walang kabuluhan o makapanghamak ng kapwa. Ano ba sa tingin ng mga taong ito ang ginagawa nila sa paggawa ng mga ito? Para mapakita nila sa iba kung gaano nila ka-love si Papa Jesus kahit na busing-busy sila sa kakalaro ng Tetris Battle at Farmville? Na kahit kilig na kilig sila sa panonood ng porn eh nababawasan ang guilt nila dahil sa nai-share o nai-like nila ang ganitong mga kalokohan? Kung inirerespesto nila ang pangalan at kadakilaan ng sinasamba nilang diyos eh hindi sila gagawa nito. Tulad nga ng sinabi ko mga babs maraming mga paraan para maipakita sa iba na mahal mo ang Diyos. Magsimula ka doon. Ang pinakamabisang paraan para masabing naniniwala ka nga kay Papa God eh ang pagtulong sa kahit na anong paraan. Hindi din cute kapag papatol ka sa ganito. Nakakaliit daw to ng pagkalalake eh.
Payong panliligaw: Always wear a smile
Sa panliligaw, importanteng parati kang nakangiti. Kapag nakasimangot, binibigyan mo ng impression ang babae na huwag ka n'yang lapitan. Akala n'yo ang gwapo nyo kapag ginawa n'yo 'yan? Akala ninyo makakatulong sa panliligaw ang magmukhang natalo ng pustahan sa DOTA? Maling move kapag parating nakasimangot lalong lalo na sa pinopormahang chiks. Mas ayos kung ipares sa malulupet na pambobola ang killer smile para makuha ang loob ng chika babes.
Gwapong lalake qualifications: Marunong pumili ng damit
Sa panliligaw, importante sa simula ang kasabihan na "first impression will last". Hindi naman talaga required sa mga lalake na parating isuot ang favorite nilang mga damit na pangsimba o pang-date kapag lalabas lang sa bahay o hindi kaya bibili ng suka sa tindahan. Isuot ang damit na sa tingin mo eh nagrerepresenta sa kung sino ka at pagkatao mo. Sa utak ng babae, magkapareho lang ang konsepto. Para sa kanila, nagre-reflect ang isinusuot mo sa pagkatao mo kaya mag-ingat.
Gwapong lalake qualifications: Hindi nasasaktan
Dapat alam ng isang gwapo at bibong lalake ang ganitong mga bagay. Dapat lagi kang handa sa kahahantungan ng panliligaw sa isang lalake. Dumedepende kasi 'yan sa pinapakita mong performace sa panliligaw kung sasagutin ka ba niya o hindi. Pero kung hindi ka man palarin, hindi ka dapat masaktan. Hindi dapat umabot sa punto na ng dahil sa isang babae magpapakamatay ka o magbibigti ka sa poste ng Meralco dahil sa nabasted ka. Para sigurado, huwag hayaang mamuo ang tinatawag na "emotional connection" sa pinopormahang babae dahil kapag nabuo 'yan tapos i-reject ka bigla, masasaktan ka talaga.
Payong panliligaw: Know your limits
Kadalasan, kailangan talagang paganahin ang common sense ng sa gayun eh hindi mapunta sa kung saan ang effort na binibigay sa babae. Alam mo dapat kung hanggang saan lang ang role mo sa buhay n'ya. Dapat madaling makaamoy. Dapat alam ang salitang "limits". Nakakairita sa parte ng mga babae ang isang manliligaw na namimilit o nanggugulo (example text ng text, post ng post ng kung anu-ano sa Facebook profile ng babae, sunod ng sunod sa kanya, ETC). Huwag paglaruan ang katangahan mga babs dahil nakakabawas 'yan ng pagkalalake. Nakakabawas din daw 'yan ng I.Q. kaya mag-ingat.
Payong panliligaw: Hindi "wannabe"
"Pare ang pogi ni Bentong gagayahin ko hairstyle n'ya".
"Tol, bibili ka ng latest album ng Super Juniors? Astig dancesteps nila gayahin natin."
"Wasak 'yung fashion statement ni Vice Ganda! Tara gulpihin natin!"
"Uso daw skinny jeans ngayon pare. Tara makiuso tayo."
Tsk, tsk, tsk....Sinabi na namin dati na hindi kailangan ng isang gwapong lalake ang manggaya ng identity ng iba eh.Mga die hard fans lang ng Koreanovelas at sumasamba sa mga tsungkoyla songs ng K-Pop bands lang ang gumagawa niyan. Ayos lang naman manggaya pero dapat may limits at kapag salitang limits ang pinag-uusapan, nauunawaan ng isang bibong lalake ang limits na tinutukoy ko.Be yourself lang mga babs at siguradong dagdag pogi points 'yan kapag nakita 'yan ng pinopormahan mong chika babes. Attractive sa mga babae ang lalakeng alam dalhin ang sarili kaya sundin ito.
Payong panliligaw: Mahilig magtanong ng "Saan ka?"
Sa panliligaw mga babs, dapat palagiang gamitin ang "saan ka?" para ipakita sa target mong chika ang pagiging concern mo sa kanya.Dahil kapag nakagawian mo nang gamitin ang makapangyarihang mga salitang ito, siguradong papasok sa isipan ng babae na nag-aalala ka sa kanya.At kapag nakita ng chika babes ang pinapakita mong pag-aalala sa kanya, dagdag pogi points.Nakakagwapo ang ganyang mga moves mga babs trust me...
Dear Diary episode 1: Panaginip kay "crush"
Dear Diary,
First time kong gumawa ng isang diary sa buong buhay ko.Ayon nga sa nabasa kong hindi matukoy kung ano, ang isa sa pinakamabisang paraan para mahasa ang imagination at writing skills eh ang pagsusulat ng kahit ano araw-araw.Sa ganun daw na paraan kahit na wala kang talent sa pagsusulat mabibigyan daw ng opportunity ang sarili mo na magsayang ng oras at the same time gumagaling ka.Alam mo diary ikaw lang ang nakikita kong sagot para magsayang ako ng oras habang nahahasa ko ang writing skills ko.Nice to meet you nga pala diary.Kinakailangan ko pa bang magpakilala at makipagshake hands sa iyo? Hindi bale next time na lang.Nakikita mo naman na busing-busy ako ako sa kakaisip sa kung ano ang isusulat ko sa iyo.Gusto ko sanang i-share sa iyo ang napaginipan ko kagabi diary.Bestfriend na kita ngayon kahit na ngayon lang nag-krus ang ating landas.Alam kong kahit na busy ka sa kaka-check ng status mo sa Facebook o Twitter, no choice ka pa rin.Makikinig at makikinig ka sa lahat ng sharing na gagawin ko.Alam kong magrereklamo ka pero wala kang magagawa.Busy pa ang Supreme Court at Senado sa nangyayaring Impeachment doon.Kung plano mo namang magreklamo sa tanggapan ni Mayor, wala ding mangyayari sa effort mong yan diary.Busy din sila sa pangungurakot at pagtanggap ng "kickback" dahil nalalapit na naman ang araw ng halalan. Walang hiya ka talaga diary, sinusubukan mo talaga ang pasensya ko. Pinagsusulat mo na naman ako pero ayos lang.Alam kong para din naman ito sa ikakabuti ko.Oo nga pala, balik tayo sa panaginip ko.
Alam mo diary napaka-weird ng napaginipan ko kagabi.Hindi ito 'yung tungkol sa kumakalat na sex video nila Hayden Kho at Katrina Halili na minsan ding naging topic ng debate ng mga tambay sa kanto. Hindi din ito tungkol sa bumebentang sex video ng namayapang si Ramgen Revilla at ang syota n'yang si Janelle Manahan. Mas lalong hindi din ito tungkol sa sa mga pagtakip ng tenga ni Atty. Aguirre dahil sa pinagalitan s'ya ni Miriam Defensor-Santiago.Tungkol ito sa long-time crush ko.
Hindi malinaw 'yung napanaginipan ko pero susubukan kong i-recall ang mga naaalala ko sa once in a lifetime experience ko na 'yun.Galing daw ako sa malayong paglalakbay. Ang setting noon eh isa daw akong manlalakbay na may special talent sa pagguhit. Meron daw akong hinahanap pero hindi ko matukoy kung ano. Ilang karagatan na ang nilangoy ko ng ilang araw at ilang bundok na ang nilakad at inakyat na ang gamit lang eh 'yung latest na flip-flops na binebenta ng Havaianas.Para na akong taong grasa noon. Ilang taon na din akong walang shave na ginagawa sa bigote ko.Parang ganito na 'yung mukha ko....
Habang naglalakad ako sa kasukalan ng kagubatan, meron akong nakitang isang babae na nakahandusay sa daanan. Sa tingin ko parang nawalan s'ya ng malay dahil malapit na ang summer.Naglalaro sa isip ko sa oras na 'yun eh na heat stroke s'ya.Dali-dali akong lumapit sa kung saan siya nahimatay.Sinubukan kong gisingin siya kaso parang wala talaga siyang malay.Ang nakakabadtrip nga lang sa panaginip kong iyun eh wala akong dalang cellphone.Plano ko sanang humingi ng saklolo.Naiwan ko kasi ito sa tindahan ng kwek-kwek at fishbol sa kabilang bayan."Naman oh! Ngayon na kailangan ko eh wala naman." sabi ko na may halong pagkabadtrip. Naalala kong meron pala akong dalang isang bote ng 'white flower oil' sa bulsa ko.Kinuha ko 'yun at pinaamoy sa kanya ito. Ilang minuto ang lumipas at parang hindi parin tumatalab ito kaya't naisipan kong i-CPR na lamang siya. Ng akmang gagawin ko na ang binabalak ko eh nagising s'ya bigla at nagulat. Walang pagdadalawang-isip n'ya akong sinampal sa mukha.
"Aray!" sigaw ko with feelings.
"Sino ka ba? Yuck! Rapist! Tulong! Tulong!" ang sigaw ng babae na animoy nakakita ng engkanto sa gubat.
"Hey, wag kang sumigaw.Tinutulungan nga kitang magising eh.Nahimatay ka kaya." napailing na reply sa kanya.
"Pasensya na. Akala ko kasi rapist ka at plano mong pagsamantalahan ang pagkababae ko." napangiting sagot n'ya.
Napansin ko agad ang kagandahan n'ya.Sa oras na iyun eh para akong nakakita ng anghel.Mas namumukadkad ang kanyang kagandahan sa tuwing ngumingiti s'ya.Secret lang natin ito diary pero ang weakness ko talaga eh ang ngiti ng isang babae lalo na kung cute na cute siya.Ewan ko ba pero sa tuwing meron akong nakikitang ngumingiti at tumitingin sa mata ko eh para akong matutunaw.Sabi ng nanay ko nasa bloodline na daw namin ito.Hindi na ako masyadong nag-usisa at nagtanong kung bakit.Napansin ko din na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.Bet ko meron siyang lagnat kaya inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang noo at pinakiramdaman kung tama ba ang hinala ko.Pinulsuhan ko na rin siya para sigurado.
Nagtaka siya kung bakit ko ito ginawa at napatanong. "Teka ano ang ginagawa mo?"
"May lagnat ka ha." sabi ko. Binuhat ko siya at naghanap ng isang lugar kung saan pwedeng doon na muna kami tumuloy. "Hindi maganda ang pakiramdam mo hindi ba? Hayaan mong alagaan na muna kita hanggang bumuti na ang kalagayan mo."
"Huwag na. Kaya ko pa naman eh." sabi ng babae.
"Hindi mo pa kaya.Huwag kang mag-alala wala itong service charge o bayad.Magpagaling ka lang OK na 'yun as pambayad.At tsaka nga pala, ngumiti ka kaya.Ang ganda mo kasi kapag nakangiti ka." sagot ko sa kanya na nahihirapan dahil ang bigat-bigat n'ya.
Nakahanap kami ng isang abandonadong bahay malapit sa ilog.Doon na muna kami nanuluyan.Ewan ko ba pero habang dumadaan ang mga araw at oras parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.Bukod sa maganda siya eh napakatalino pa n'ya.Madali n'yang napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid.Para ngang lahat ng gusto mong katangian ng isang babae eh makikita mo na sa kanya lahat except 'yung height n'ya.Sa totoo lang, meron akong kakilala na parang katulad din n'ya sa totoong buhay.
Hindi ko matukoy kung ano ang pinag-uusapan namin pero habang nag-uusap kaming dalawa eh parang tumitigil ang oras at bumibilis ang tibok ng puso ko.Weird nga eh dahil panaginip lang 'yun.
Dumating din ang araw na gumaling na s'ya.
"Salamat ha! Hindi ko talaga malilimutan ang pinakita mong kabutihan sa akin.Sana pagpalain ka sa paglalakbay mo." sabi ng babae.
"Walang ano man.Ikaw pa eh ang lakas mo sa akin." sagot ko sa kanya.
Plano ko sanang humingi ng cellphone number sa kanya kaso wala nga pala akong cellphone.Hihingian ko din sana siya ng email-address ng sa gayun eh ma-"add as a friend" ko siya sa Facebook.Muntik ko nang makalimutan na hindi pa pala ako nakapag-register ng account sa Facebook.Sayang!
Tinanong ko na lamang ang pangalan n'ya.Kahit na maghiwalay ang landas namin eh meron parin akong maituturing na "remembrance" sa kanya.
"Ako nga pala si..............." ng biglang ginising ako ng nanay ko.Nakakabadtrip! Nabitin ako doon diary.
Naman oh! Kung saan ang magandang part ng panaginip eh doon pa biglang mapuputol.Pero hindi parin ako nawalan ng pag-asa.Natulog ako ulit at sinubukang balikan ang naputol kong panaginip.Ilang minuto ang dumaan pero wala paring nangyari.Kaya itinigil ko na lamang ito.Nakakadismaya ang nangyaring iyun sa akin diary.Sayang talaga at hindi ko man lang natanong ang pangalan ng babaeng 'yun.Pero nagpapasalamat na din ako kahit ganoon ang nangyari.
Hanggang dito na lang muna diary.Hayaan mo magsusulat ulit ako sayo kapag hindi na ako busy.
P.S.:Awkward masyado ang napaginipan ko pero inihalintulad ko lang ito sa personal experience ko sa totoong buhay.Kamakailan kasi nag-share at nag-open up sa akin ang isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko.Sa tingin ko nga eh inlab na ata ako sa kanya.Sa katunayan, crush ko siya since highschool.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon na ipahayag sa kanya ang nararamdaman ko dahil noong panahon na 'yun, meron siyang gusto sa kaklase ko.Teka bakit ko ba sinasabi sa inyo ang mga bagay na ito? Ano ba ang punto ko?
Napag-alaman ko kasing nagkasakit ang s'ya noong nakaraan.Kaya siguro napanaginipan kong meron akong inaalagaan na babaeng maysakit dahil ito kasi ang gustong-gusto kong gawin sa babaeng napupusuan ko.Magkalayo kasi kami at 'yung means ng communication lang namin eh through internet chat.At oo nga pala, siya pala ang babaeng inaalagaan ko sa panaginip kong iyon.
THE END...
First time kong gumawa ng isang diary sa buong buhay ko.Ayon nga sa nabasa kong hindi matukoy kung ano, ang isa sa pinakamabisang paraan para mahasa ang imagination at writing skills eh ang pagsusulat ng kahit ano araw-araw.Sa ganun daw na paraan kahit na wala kang talent sa pagsusulat mabibigyan daw ng opportunity ang sarili mo na magsayang ng oras at the same time gumagaling ka.Alam mo diary ikaw lang ang nakikita kong sagot para magsayang ako ng oras habang nahahasa ko ang writing skills ko.Nice to meet you nga pala diary.Kinakailangan ko pa bang magpakilala at makipagshake hands sa iyo? Hindi bale next time na lang.Nakikita mo naman na busing-busy ako ako sa kakaisip sa kung ano ang isusulat ko sa iyo.Gusto ko sanang i-share sa iyo ang napaginipan ko kagabi diary.Bestfriend na kita ngayon kahit na ngayon lang nag-krus ang ating landas.Alam kong kahit na busy ka sa kaka-check ng status mo sa Facebook o Twitter, no choice ka pa rin.Makikinig at makikinig ka sa lahat ng sharing na gagawin ko.Alam kong magrereklamo ka pero wala kang magagawa.Busy pa ang Supreme Court at Senado sa nangyayaring Impeachment doon.Kung plano mo namang magreklamo sa tanggapan ni Mayor, wala ding mangyayari sa effort mong yan diary.Busy din sila sa pangungurakot at pagtanggap ng "kickback" dahil nalalapit na naman ang araw ng halalan. Walang hiya ka talaga diary, sinusubukan mo talaga ang pasensya ko. Pinagsusulat mo na naman ako pero ayos lang.Alam kong para din naman ito sa ikakabuti ko.Oo nga pala, balik tayo sa panaginip ko.
Alam mo diary napaka-weird ng napaginipan ko kagabi.Hindi ito 'yung tungkol sa kumakalat na sex video nila Hayden Kho at Katrina Halili na minsan ding naging topic ng debate ng mga tambay sa kanto. Hindi din ito tungkol sa bumebentang sex video ng namayapang si Ramgen Revilla at ang syota n'yang si Janelle Manahan. Mas lalong hindi din ito tungkol sa sa mga pagtakip ng tenga ni Atty. Aguirre dahil sa pinagalitan s'ya ni Miriam Defensor-Santiago.Tungkol ito sa long-time crush ko.
Hindi malinaw 'yung napanaginipan ko pero susubukan kong i-recall ang mga naaalala ko sa once in a lifetime experience ko na 'yun.Galing daw ako sa malayong paglalakbay. Ang setting noon eh isa daw akong manlalakbay na may special talent sa pagguhit. Meron daw akong hinahanap pero hindi ko matukoy kung ano. Ilang karagatan na ang nilangoy ko ng ilang araw at ilang bundok na ang nilakad at inakyat na ang gamit lang eh 'yung latest na flip-flops na binebenta ng Havaianas.Para na akong taong grasa noon. Ilang taon na din akong walang shave na ginagawa sa bigote ko.Parang ganito na 'yung mukha ko....
Ang pinagkaiba lang eh wala akong suot na baduy na sumbrero na katulad ng sa larawan.Hindi din puting t-shirt ang ginagamit ko doon.Pinkish ang color nito na may polka dots na nakalayer sa may bandang beywang nito.Ewan ko nga ba at bakit ganun ang kinalabasan na outfit sa panaginip kong iyon.Siguro dahil iyon sa napanood kong dokyu tungkol sa mga beki kamakailan at ang kanilang day-to-day experience.Meron din daw akong hawak na isang baston na pwedeng gawing portable pencil at signpen.Kahit na malaki ito(actually 6 feet ang haba nito), nakakahanap daw akong ng paraan para magamit ko ito sa aking pagguhit at pagdro-drawing.Sa tinagal-tagal ng pagsasama ng baston ko na 'yun, napamahal na ito sa akin at ikakamatay ko kung manakaw ito or maubusan ito ng tinta.
Habang naglalakad ako sa kasukalan ng kagubatan, meron akong nakitang isang babae na nakahandusay sa daanan. Sa tingin ko parang nawalan s'ya ng malay dahil malapit na ang summer.Naglalaro sa isip ko sa oras na 'yun eh na heat stroke s'ya.Dali-dali akong lumapit sa kung saan siya nahimatay.Sinubukan kong gisingin siya kaso parang wala talaga siyang malay.Ang nakakabadtrip nga lang sa panaginip kong iyun eh wala akong dalang cellphone.Plano ko sanang humingi ng saklolo.Naiwan ko kasi ito sa tindahan ng kwek-kwek at fishbol sa kabilang bayan."Naman oh! Ngayon na kailangan ko eh wala naman." sabi ko na may halong pagkabadtrip. Naalala kong meron pala akong dalang isang bote ng 'white flower oil' sa bulsa ko.Kinuha ko 'yun at pinaamoy sa kanya ito. Ilang minuto ang lumipas at parang hindi parin tumatalab ito kaya't naisipan kong i-CPR na lamang siya. Ng akmang gagawin ko na ang binabalak ko eh nagising s'ya bigla at nagulat. Walang pagdadalawang-isip n'ya akong sinampal sa mukha.
"Aray!" sigaw ko with feelings.
"Sino ka ba? Yuck! Rapist! Tulong! Tulong!" ang sigaw ng babae na animoy nakakita ng engkanto sa gubat.
"Hey, wag kang sumigaw.Tinutulungan nga kitang magising eh.Nahimatay ka kaya." napailing na reply sa kanya.
"Pasensya na. Akala ko kasi rapist ka at plano mong pagsamantalahan ang pagkababae ko." napangiting sagot n'ya.
Napansin ko agad ang kagandahan n'ya.Sa oras na iyun eh para akong nakakita ng anghel.Mas namumukadkad ang kanyang kagandahan sa tuwing ngumingiti s'ya.Secret lang natin ito diary pero ang weakness ko talaga eh ang ngiti ng isang babae lalo na kung cute na cute siya.Ewan ko ba pero sa tuwing meron akong nakikitang ngumingiti at tumitingin sa mata ko eh para akong matutunaw.Sabi ng nanay ko nasa bloodline na daw namin ito.Hindi na ako masyadong nag-usisa at nagtanong kung bakit.Napansin ko din na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.Bet ko meron siyang lagnat kaya inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang noo at pinakiramdaman kung tama ba ang hinala ko.Pinulsuhan ko na rin siya para sigurado.
Nagtaka siya kung bakit ko ito ginawa at napatanong. "Teka ano ang ginagawa mo?"
"May lagnat ka ha." sabi ko. Binuhat ko siya at naghanap ng isang lugar kung saan pwedeng doon na muna kami tumuloy. "Hindi maganda ang pakiramdam mo hindi ba? Hayaan mong alagaan na muna kita hanggang bumuti na ang kalagayan mo."
"Huwag na. Kaya ko pa naman eh." sabi ng babae.
"Hindi mo pa kaya.Huwag kang mag-alala wala itong service charge o bayad.Magpagaling ka lang OK na 'yun as pambayad.At tsaka nga pala, ngumiti ka kaya.Ang ganda mo kasi kapag nakangiti ka." sagot ko sa kanya na nahihirapan dahil ang bigat-bigat n'ya.
Nakahanap kami ng isang abandonadong bahay malapit sa ilog.Doon na muna kami nanuluyan.Ewan ko ba pero habang dumadaan ang mga araw at oras parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.Bukod sa maganda siya eh napakatalino pa n'ya.Madali n'yang napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid.Para ngang lahat ng gusto mong katangian ng isang babae eh makikita mo na sa kanya lahat except 'yung height n'ya.Sa totoo lang, meron akong kakilala na parang katulad din n'ya sa totoong buhay.
Hindi ko matukoy kung ano ang pinag-uusapan namin pero habang nag-uusap kaming dalawa eh parang tumitigil ang oras at bumibilis ang tibok ng puso ko.Weird nga eh dahil panaginip lang 'yun.
Dumating din ang araw na gumaling na s'ya.
"Salamat ha! Hindi ko talaga malilimutan ang pinakita mong kabutihan sa akin.Sana pagpalain ka sa paglalakbay mo." sabi ng babae.
"Walang ano man.Ikaw pa eh ang lakas mo sa akin." sagot ko sa kanya.
Plano ko sanang humingi ng cellphone number sa kanya kaso wala nga pala akong cellphone.Hihingian ko din sana siya ng email-address ng sa gayun eh ma-"add as a friend" ko siya sa Facebook.Muntik ko nang makalimutan na hindi pa pala ako nakapag-register ng account sa Facebook.Sayang!
Tinanong ko na lamang ang pangalan n'ya.Kahit na maghiwalay ang landas namin eh meron parin akong maituturing na "remembrance" sa kanya.
"Ako nga pala si..............." ng biglang ginising ako ng nanay ko.Nakakabadtrip! Nabitin ako doon diary.
Naman oh! Kung saan ang magandang part ng panaginip eh doon pa biglang mapuputol.Pero hindi parin ako nawalan ng pag-asa.Natulog ako ulit at sinubukang balikan ang naputol kong panaginip.Ilang minuto ang dumaan pero wala paring nangyari.Kaya itinigil ko na lamang ito.Nakakadismaya ang nangyaring iyun sa akin diary.Sayang talaga at hindi ko man lang natanong ang pangalan ng babaeng 'yun.Pero nagpapasalamat na din ako kahit ganoon ang nangyari.
Hanggang dito na lang muna diary.Hayaan mo magsusulat ulit ako sayo kapag hindi na ako busy.
P.S.:Awkward masyado ang napaginipan ko pero inihalintulad ko lang ito sa personal experience ko sa totoong buhay.Kamakailan kasi nag-share at nag-open up sa akin ang isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko.Sa tingin ko nga eh inlab na ata ako sa kanya.Sa katunayan, crush ko siya since highschool.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon na ipahayag sa kanya ang nararamdaman ko dahil noong panahon na 'yun, meron siyang gusto sa kaklase ko.Teka bakit ko ba sinasabi sa inyo ang mga bagay na ito? Ano ba ang punto ko?
Napag-alaman ko kasing nagkasakit ang s'ya noong nakaraan.Kaya siguro napanaginipan kong meron akong inaalagaan na babaeng maysakit dahil ito kasi ang gustong-gusto kong gawin sa babaeng napupusuan ko.Magkalayo kasi kami at 'yung means ng communication lang namin eh through internet chat.At oo nga pala, siya pala ang babaeng inaalagaan ko sa panaginip kong iyon.
THE END...
Payong panliligaw: Marunong mag-background check
Bago manligaw sa babaeng napupusuan, dapat marunong kang magtanong-tanong o mag-background check tungkol sa kanya.Hanggat maaari, tanungin lahat ng gusto niya tulad ng ano ang gusto n'yang pagkain, kasuotan, ano ang favorite color, ano ang gusto n'yang sakit kapag mamamatay na s'ya, favorite toothpaste n'ya, mga hobbies, favorite Twilight character ETC.Magtanong-tanong sa kaibigan n'ya o sa magulang mismo kung makapal talaga ang mukha mo.Dapat habang nagtatanong ka ng tungkol sa chikang target, huwag hayaan na makaamoy sila na may interes ka sa babae.Kinakailangan na magaling kang umarte at parating patay-malisya lang.At tsaka nga pala, huwag maging defensive kapag tinanong ka kung bakit panay ang tanong mo sa babaeng target dahil mahahalata ka.
Payong panliligaw: Magaling mamili ng "target"
Meron talagang mga babae na kahit anong gawin mong panunuyo at pambobola, hindi ka parin papatulan.Kahit na anong gawin mong cheche bureche sa katawan o gumamit ka man ng Master Facial Scrub sa mukha mo wala paring mangyayari.Alam dapat ng gwapong lalake ang mga bagay na ganito dahil kapag wala kang kamuwang-muwang sa mga nangyayari, magmumukha kang tanga.Dapat marunong kang umekis sa listahan ng mga babaeng posibleng i-target o ligawan.Kunware meron kang gustong chika na kakahiwalay lang sa BF nya tapos meron karin isang gustong babae na single since birth.Dapat i-priority ang chikang single since birth.Kung nararamdaman mong meron pang feelings ang babae sa dating karelasyon i-ekis na ito sa listahan.Marami pang mga babae dyan mga babs.
Matinong lalake: Good listener
Sa lahat ng pagkakataon, dapat meron kang inilalaan na oras para makinig sa problema ng katropa o chikang pinopormahan mo.Dahil nakakagwapo sa isang lalake ang nakikinig sa mga problema ng iba.Dapat may utak ka ring unawain ang dinadanas nilang problema ng hindi magmukhang ewan kapag tinanong ka kung ano ang opinyon mo sa problema nya.Kinakailangan din na nasa matinong pag-iisip ka bago bumitaw ng malulupet na payo.Dapat din na may baon kang panyo in case of emergency kung umiyak.Huwag nang mag-offer sa lalake ng panyo baka ipampunas n'ya 'yan ng sipon o halukayin nya ang dumi sa kanyang ilong.Sa chiks lang mag-offer para safe.Dagdag pogi points 'yan mga babs garantisado.
Payong panliligaw: Magaling tumiming
Sinabi ko na dati dito na dapat madali kang maka-amoy eh....
Isa sa pinakamagandang pagkakataon para i-korner ang target na chika, ang manligaw ng LIVE sa TV.Pero dapat alam ng isang lalake kung kailan ang magandang timing para manligaw.Walang bahid ng pagka-lover boy ang lalake sa video dahil hinayaan nyang mabasted sya sa harap ng napakaraming tao.Hindi s'ya manliligaw kung alam n'yang tagilid s'ya sa babaeng pinopormahan or masyadong pang maikli ang nailalaan n'yang oras para manligaw.Dapat madali kang maka-sense sa ganitong mga pagkakataon ng hindi mapahiya sa buong Pilipinas.Mahirap matukso ng "basted" habang nagtratrabaho o kapag naglalakad ka lang sa eskinita kaya mag-ingat next time....
Payong panliligaw: Huwag mag-send ng forwarded messages sa cell
Alam n'yo mga babs mas mahuhulog talaga ang loob ng target mong chika kung may ikaw mismo ang lumikha ng bawat ipinapadala mong text sa kanya.Mas naa-appreciate nila ito kapag alam nilang unique at pinagbuhusan mo talaga ng oras at effort.Pwede din namang pumatol sa mga pinagpasahang love quote sa text pero siguraduhin na dapat puno ito ng pagmamahal at may ibig sabihin.Pero kung busy ka, huwag nang ikonsidera ang tip na ito.In case of emegency lang naman.
Payong chika: Magpakipot
Kung babae ka at nasa edad ka na ng pagdadalaga, siguradong maraming boys na lalapit sa iyo.Magpapa-pansin, magfi-flirt, magpapa-impress, kapag meron kang buhat na mabigat na bagay sila ang bubuhat, ililibre ka ng puto sa kanto, bibigyan ka parati ng 1/4 kapag may quiz, ETC.Priority ang babae sa lahat ng pagkakataon.Ito ang pinakamagandang parte ng pagiging dalaga ng isang babae, ang madaming manliligaw.At kapag dumating na ang araw na 'yun dapat alam mo ang iyong gagawin.Dapat kargado ka ng kaalaman ng ma-enjoy mo ang pagkababae mo dahil bihira lang ito dumaan sa buhay.Kung maraming gusto umangkin ng puso mo o manligaw, dapat magpakipot.Dahil ang pagpapakipot ay nagiging sukatan kung seryoso ba ang lalake sa iyo.Sa oras din na nagpapakipot ka, nabibigyan mo ang sarili mo ng oras para kilatising mabuti ang manliligaw.Dapat pa-hard to get parati ang tema.Dapat hindi agad-agad sasagot ng "oo" kapag tinanong na pwede ka bang maging syota.Dapat kawawain muna ang lalake bago sagutin.
Sa mga gustong magpayo....
Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.
Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang kaibigan.Sa totoo lang mga babs mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa nararanasan ito.At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang kaibigan mo.Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.Kung gusto ninyong magbigay payo sa katropang may problema, sundin ang mga sumusunod..
1.Maging totoo-Importante na dapat totoo ang ipinapayo sa kaibigan.Problemado s'ya at kinakailangan n'ya ng isang tao na pwedeng magsabi sa kanya ng pwede n'yang gawin para malutas n'ya ito.Kinakailangan na maging sensitive at ilagay ang sarili mo sa lugar n'ya.Ano ang mararamdaman mo kung panay biro ang ibinibigay na payo n'ya sayo? Hindi ba't nakakabadtrip?
2.Humingi ng permiso- Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magmagaling o dumaldal ng kung anu-ano sa problemadong kaibigan.Meron talagang mga problema na tanging ang kanyang sarili lang at oras ang solusyon.Dapat madali kang maka-get up sa ganitong mga pagkakataon.Dapat 'wag magpaka-epal at huwag siyang gambalain.
3.Mag-suggest ng alternatives- Sa isang problema, maraming pwedeng maisip na solusyon depende na sa taong humaharap dito.Kung nagsa-suggest ng kung anu-ano sa kaibigan, dapat ikaw mismo sa sarili mo 'yun ang nakikita mong pwedeng ipayo.
4.Magaling magkwento- Alam n'yo mga babs malakas talaga ang hatak ng isang nagpapayo kung alam n'ya kung papaano ito ihambing sa isang kwento o experience n'ya sa kanyang buhay.Sa ganyan na pamamaraan, madali n'yang maunawaan ang sitwasyon.
5.Huwag maging judgemental- Kung mag-share man ang kaibigan mo sa kanyang mga problema, dapat i-appreciate mo ito.Dahil kung nag-share sayo ang kaibigan mo, nangangahulugan 'yan na may tiwala siya sa'yo at alam niyang makakatulong ka sa kanya.Kung meron man siyang maisip na solusyon, unawain ito at tingnan kung ano ang mga posibilidad kung susundin n'ya ito.
6.Huwag mag-promise- Alam mo dapat kung kailan nagbibitiw ng pangako.Kung magbibigay ng payo, huwag mong sabihin sa kaibigan mong garantisadong gagana 'yang binigay na payo mo sa kanya.Kung wala kang psychic powers, huwag mong i-assume na tatalab 'yan unless kakosa mo si Chuck Norris.
7.Magbakasyon- Kapag magulo ang utak ng kaibigan mo, dapat yayain mo s'ya na magrelax.Sa ganyang paraan, makakapag-isip s'ya ng mabuti at tama.Nagiging pangit ang resulta kapag magulo ang utak ng tao.Parehas lang din ang prinsipyo sa paglutas ng isang problema.
8.May feelings- Sa bawat bibitawan na salita, dapat may feelings.Dapat may personal touch dahil naa-appreciate ng isang tao ang mga payo na galing sa puso.'Yan naman ang importante eh.Galing sa puso.
Kung plano ninyong magbigay payo sa iba na nakakaranas ng matinding problema, sundan ang mga guide na ito.Tulad ng sinabi ko, hindi din ito garantisadong epektibo pero ayos kung dito ka magsimula.Dahil ang pag-intindi sa isang tao at pagbibigay ng payo ay mahabang proseso.Mas nakakataba ng puso mga babs kung ikaw mismo sa sarili mo masabi mong nakatulong ka sa pamamagitan ng mga salita mo at na-inspire mo silang harapin ang kanilang problema sa kabila ng hirap at sakit.At oo nga pala, lahat ng problema, may magandang produkto.Pwedeng experience o awareness.Experience dahil alam mo na ang gagawin kung mahaharap ka ulit sa ganito at awareness dahil kung ikaw man ang dahilan kung bakit sumulpot 'yang problema mo, alam mo na kung papaano ito iiwasan sa susunod.
Gwapong lalake qualifications: Parating healthy and active
Kahit na magmukhang pulubi o nagulpi, dapat parating healthy ang lalake sa mata ng pinopormahan chika.Malaki ang ginagampanan nitong papel kapag nasa daan na kayo ng "getting to know each other".Dahil attractive sa babae ang healthy na lalake.Dapat kumain ng maraming gulay o prutas at uminom din ng maraming tubig para lumabas lahat ng toxins sa katawan mo.Mas maganda kung meron kayong pera para pang-gym o kung walang budget, gamitin ang imagination.Madaming malalaking bato d'yan mga babs sa paligid o pwede ding mang-snatch para tumaas ang ability mong umilag at mag-isip kung saan ka tatakbo para hindi ka magulpi ng taumbayan.
Payong panliligaw: Parating nagtu-toothbrush
Hindi na dapat i-lecture ang mga bagay na katulad nito pero sige patulan baka makalimutan.Payo ko sa inyo mga babs na parating i-consider ang move na ito.Dahil kapag mabaho ang hininga at maamoy ng kursunada mong chika, baka maturn-off bigla sa'yo.Sayang din ang ilang buwan na effort ng panliligaw sa chika.Sayang ang perang ginamit sa pagbili ng mga flowers at chocolates na ibinigay mo sa kanya na sana ipinang-DOTA mo na lang.Mas maganda kung i-practice ang gawain na ito lima hanggang pitong beses sa isang araw para siguradong patay ang mikrobyong naninirahan sa bunganga mo.Nagiging rason din ito kung bakit nababasted ang lalake kaya mag-ingat.
Umay video hits: Justin Bieber
Kung titingnan at uusisain ng mabuti ang nakakapaloob sa video na ito, halatang may matinding galit ang nag-upload ng video kay Justin Bieber.Pero mga babs hindi ko ini-encourage kayong magtanim ng matinding poot at hinanakit sa mga bagay-bagay o tao sa'yong paligid.Dahil alam ng isang gwapong lalake na nakakamatay ang mga bagay na 'yan.Masama sa puso ang kahit na anong uri ng galit at kung anu-anong mga negative emotions kaya next time kung may matinding galit kayo sa isang tao o sa kung sino man, ibuhos na lamang ang oras na ilalaan mo sana sa pagkabadtrip sa mga bagay na magbibigay sayo ng konting aliw at saya.Maraming mga blogs at websites dyan mga babs na pwedeng bisitahin para ma-enrich ang utak ng isang gwapong lalake.Pwedeng sumegway din sa panonood ng porn pero siguraduhin na munang sa liblib at kasuluk-sulukan na unit ang gamitin para iwas-buko.Mahirap matuksong manyakis at bawas pogi points sa pinopormahang chika.
Payong panliligaw: Hindi emosyonal mag-post sa mga Social networking sites
Isa ito sa dapat iniiwasan ng lalakeng aspiring na syumota ng magagandang chika, ang mag-post ng kung anu-anong emosyonal na bagay sa Facebook o sa Twitter.Dahil ang lalakeng nasa matinong pag-iisip, hindi gagawin ang mga cheap na bagay na mga 'yan.Nagmumukha lang immature at tanga at bawas pogi points.Magpo-post lang s'ya kung nakakagwapo ito sa kanya o kung nagagamit n'ya ang kapangyarihan ng social media para mambola ng chikas.Pwede ding magpo-post s'ya ng kung anu-ano basta hindi nito nasasaklaw ang pagka-EMO o pagiging engot.
Payong kaibigan: Hindi nagpapaalam ng birthday
Isa sa dapat ikonsidera ng isang lalake ay ang kanyang budget.Kapag pera ang pinag-uusapan, binibigyan n'ya ito ng malaking importansya dahil alam n'ya na vital ito sa panliligaw o sa pang-araw-araw na pangangailangan.Kung magbi-birthday ang isang lalake, nangangahulugan ito ng gastusin.Sa ganitong mga pagkakataon mga babs, hindi dapat basta-basta idadaldal ang araw ng kapanganakan.Dahil kapag nagkamali kang i-share sa iba ang impormasyon na 'to, tiyak na mamumulubi ka kinabukasan.Dapat ishini-share n'ya lang ito sa iilan na malapit sa kanyang puso para hindi malaki ang gastos at para narin iwas-hang over pagkatapos ng magdamagang inuman.
Payong panliligaw: Maggupit ng buhok sa ilong
Kung plano ninyong manligaw mga babs, isa ito sa qualifications, ang gupitin ang buhok sa ilong kung mahaba na.Kapag mahaba na ang buhok sa ilong, dapat hinahanapan ito agad ng paraan para putulin ito.Dahil kadalasan, isa ito sa mga rason kung bakit nababasted ang isang lalake.Dapat sa malulupet na pambobola at 'pick-up lines' mapatigil ang mundo ng babae hindi dahil sa mahabang buhok sa ilong.
Matinong lalake: Hindi tsismoso
"Pare, sabi ni Bruno tinira mo daw si *tuuut* *tuuut* kanina sa damuhan.Totoo ba 'yun?"
"Dre, anak mo daw 'yung panganay ni kumare?"
"Tol, nangutang ka daw ng pang-DOTA sa syota mong bakla?"
Tsk, tsk, tsk...Gawain lang ng mga baklang manikurista ang mga ganyan.Ang matinong lalake, hindi madaldal.Kung dadaldal man s'ya ng mga bagay-bagay, dapat sa babaeng pinopormahan n'ya ito ginagawa at parating mga malulutong na 'pick-up lines' ang binabanat para mapatawa ang chika.Or pwede ding dadaldal sya ng kung anu-ano para hikayatin ang kapwa n'ya lalake na makipag-inuman.Hindi s'ya pupunta sa kapitbahay para mamalita sa kung ano ang mga pwedeng i-tsismis o ipanira sa kapwa n'ya.Meroong s'yang mga priorities sa buhay na dapat mas pagtuunan ng pansin
Usapang lalake 101: Pag-intindi
Kahit na sinong mga matatalinong mga iskolar ng bayan at pati na rin ang mga hinahangaan nating mga pantas eh hindi talaga alam kung ano ba talaga ang tinatakbo ng utak ng mga babae.Masyadong komplikado kung mag-isip ang babae kayat minsan wala tayong ka-alam-alam na meron na pala siyang dinaramdam sa atin.Isa ito sa pinakamalaking misteryo na nakabalot sa mga babae.Kadalasan, ang kinahahantungan lang ng mga lalakeng nagtangkang maintindihan ang mga babae na walang experience sa ganitong mga bagay eh nagmumukhang tanga, trying-hard, may tililing sa utak o 'yung mga taong emosyonal kung mag-post sa Facebook.Kung meron kang plano sa target na chika, isa sa pinakamabisang move na gagawin mo ay ang malaman kung ano ba talaga ang mga hinanaing at gusto ng babae.Dahil para mapa-ibig ang babae, dapat meron kang plano.Meron kang mga sinusunod na guidelines at ethics sa target na chika ng hindi magmukhang ewan kapag kaharap na s'ya.Concern ako sa kapwa ko mga lalake kaya gumawa ako ng konting listahan para hindi kayo mapariwara sa tatahakin ninyong landas.Listahan ito tungkol sa nakabalot na hiwaga kung papaano maintindihan ang mga babae.
1.Maging simple- Isa sa mga pinakamaling hakbang kapag pumoporma sa isang chika ay ang magmukhang arogante at mayabang.Isang malaking 'turn-off' ito sa mga babae mga babs.OK lang naman kung tutuusin ang napakalaking tiwala sa sarili o 'confidence' pero kung sosobra natural nakakasama.Dahil sa utak ng babae, kung totoo man 'yang mga pinagyayabang mo sa kanya hindi mo na ito ipagsisigawan sa kanyang harapan o sa madla.Mas appealing sa isang babae kung sa ibang tao n'ya marinig ang mga achievements mo o ang pagkagwapo mo kaysa marinig n'ya ito sa bibig mismo ng lalake.
2.Huwag maging 'demanding'- Isa din itong malaking 'turn-off' sa isang babae, ang pagiging demanding.Alam n'yo mga babs kung masyadong needy ang isang lalake, nangangahulugan lang ito na hindi maganda ang takbo ng relasyon mo sa kapwa mo dahil kinakain mo na lang lahat ng kanyang atensyon.Walang matinong babae ang mag-iisip na dapat siya na lang parati ang nasa isip ng isang lalake dahil kadalasan, nagiging isa ito malaking pabigat kinalaunan.Payo ko sa inyo mga babs, kung gusto n'yo talaga ang chika, sundin lang ito.
3.Maging totoo sa sarili- Alam n'yo babs kahit na hindi ka man kagwapuhan sa paningin ng iba o mismo sa target na chika hindi ito magiging hadlang para mapasagot ang babae.Sa panahon na ito na naglipana sa eskinita ang mga gwapong lalake na may tinatagong bonggang-bonggang pagkatao o in short shutey o bakla, minsan na lang makakakita ng mga lalake na as in lalakeng-lalake talaga.Kung ikaw mismo sa sarili mo presentable ka sa harap ng chika, pwede na 'yan.Dahil sa utak ng babae, kung papaano mo pinapahalagahan ang sarili mo eh 'yun din ang iniisip n'ya na pagpapahalaga na ibibigay mo kung sasagutin ka man n'ya.
4.Maging 'attentive'- Isa ito sa bumebentang pamamaraan kapag pumoporma sa chika, ang maging attentive.Binibigyan n'ya ng malaking puwang sa puso n'ya ang lalakeng pinapahalagahan ang kanyang mga saloobin, hinanakit, o opinyon sa mga bagay-bagay.Dahil gusto ng mga babae na meroong taong makikinig sa kanya at magpapayo sa kanya.Kaya kung meron man s'yang i-share sa inyo tungkol sa kanyang nararamdaman mga babs, unawain ang sitwasyon at payuhan ng kung ano ang pwedeng magandang solusyon na maiisip mo.
5.Mahalin ang sarili- Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, sa utak ng babae, ganoon din ang ibibigay mong pagmamahal sa kanya.Kahit na basurero ka man o ikaw si Justin Bieber, kung makikita ng isang babae na mahal mo talaga ang trabaho mo eh mahuhulog at maa-attract talaga s'ya sa'yo.Nasa utak na talaga ng tao mapa-lalake man o babae ang mabighani sa mga mababait na tao.Its a human nature yu know!
Kung gusto n'yong pumorma sa chika mga babs, sundin lang ang mga ito.Hindi naman ito masyadong komplikado para maintindihan ng isang gwapong lalake na gustong manligaw sa crush sa eskwelahan o ka-officemate.Tandaan n'yo mga babs, hindi garantisado na kung susundin n'yo itong nilimbag ko eh mapapa-oo n'yo na ang chika.Personal experience ko ito mismo.Produkto ito sa magdamagang pagbabasa ng mga artikulo na related sa pag-ibig at babae pati na rin ang masusing pagmamasid sa takbo ng utak ng mga tao.Kung makatulong man ito, libre n'yo ko ng coke float sa susunod o fishbol kung kulang ang budget.Tatanawin ko 'yan na malaking utang na loob mga babs pwera na lang kung bale-isang piso lang ng fishbol ang panlilibre nyo mga walang hiya kayo.
Payong panliligaw: Maparaan
Kahit sa anong oras o anong lugar mapa-kubeta man o nasa kasukalan ng kagubatan, dapat lagi kang handa.Dapat hindi nagiging hadlang ang kawalan ng mga bagay para maisagawa ang ninanais para mapa-impress ang babaeng target.Dahil nakakagwapo sa isang lalake ang pagiging maparaan.Dyan papasok ang creativity at imagination ng lalake.Hindi rason ang kawalan ng utak sa ganitong mga pagkakataon.Kunware...
Kunware wala kang pamasahe.Ano ang gagawin mo?
Hindi ka maparaan kung pipilin mong maglakad ng ilang kilometro para lang makauwi sa bahay.Pwedeng mangutang o magkunwareng palaboy para makahingi ng mga barya sa mga dumadaan.
Kunware walang natirang ulam.Gutom ka pa naman.Ano ang gagawin mo?
Magwala sa bahay.Istorbohin ang kapitbahay o mag-amok sa inyong lugar.Maghamon ng away sa mga tambay at lasenggo sa kanto kung kinakailangan.Dapat ilabas ang pagkabadtrip dahil hindi ka tinirahan ng ulam.Badtripin n'yo na ang tulog 'wag lang ang gutom.
Dapat laging handa.Dapat laging mabilis mag-isip sa mga emergency na kakaharapin.
Boxing match, Animal-style
Isa ito sa pinakanakakatawang video na napanood ko sa kapanahunan na ito bukod sa nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado.Ayos dahil parang naging isang wrestling match ang nangyaring paghaharap ng ating pamato na si Johnriel Casimero at ang mandarayang matanda na si Luiz "El mosquito" Lazarte ng Argentina.Noong nanood ako ng balita kagabi, naisipan kong i-feature ang balitang ito dahil sigurado akong marami tayong mapupulot na aral.Pagkatapos mapabagsak ng ating pambato na si Casimero sa 10th round ang kalaban, nagtampo ang argentinian fans at binuhos nila ang sama ng loob sa kampo nila Casimero na nauwi sa pananampal, pangungurot, pambabato ng upuan at bote.Ang nakakainis nga lang sa nangyari eh hindi masyadong napatupad ang naaayon na seguridad na dapat eh present sa boxing match na 'yan.Buti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ating boksingero at ang kanyang mga kasamahan.Sa simula pa lang ng laban eh may bahid na ng pandaraya ang galaw at istilo na ginamit ni Lazarte na labag sa itinakdang 'standards' ng boksing.Sino bang matinong boksingero na kakagatin ang kanyang kalaban kapag naglingkisan sila? At sino bang nasa matinong pag-iisip na gagawa ng eksena na na-low blow daw s'ya pero nagjo-joke lang pala?Sa boxing match na ito makikita talaga ang agwat ng edad at kakayahan ng isang tao na umunawa sa isang bagay.Sa parte ni Lazarte, parang pinamumukha n'yang nakawawa s'ya kaya't parang naging isa ito sa mga rason kung bakit sumiklab ang riot.Ang nakakatawa nga lang kumagat naman ang argentinian fans sa drama ni Lazarte.Akala nila eh napakaganda ng kanilang ginawa dahil nakisimpatya sila sa kabiguan ng kanilang pambato.Hindi ata uso sa kanila ang salitang "sportsmanship".Sa susunod bagamat ayaw kong mag-promote ng 'hate', kapag merong magawi na argentinian boxer dito sa atin magbaon kayo ng balisong, paltik na baril, kutsilyo sa kusina, chainsaw o kahit anong nakakamatay na armas if in case na matalo naman ang ating boksingero, meron tayong alternatibong paraan para maipakita ang pagkadismaya ng resulta ng laban.
Kadalasan..
Nagagamit ang Facbook sa pagpapahayag ng damdamin.Kadalasan din, nagagamit ito para ipakita sa iba na hindi mo na ginagamit 'yan utak mo.Na mas pinapaboran mo pang maglaro ng Tetris at Farmville kaysa sa mag-study sa mga lessons sa paaralan...
Payong panliligaw: Parating kalmado
Kung poporma sa chiks na kursunada o target, dapat parating kalmado.Alam n'yo mga babs ang mga babae walang pinagkaiba.Nagsusuklay ng buhok, gumagamit ng pantyliner, nagme-mens, dumudura ng pleme, nagkakaroon ng sipon, nangungulangot, tumatae, ETC.Pare-parehas lang 'yan.Kapag nagmumukhang natataranta at natatameme, nagmumukhang tanga.At kapag nagmukhang tanga sa chikang target, bawas pogi points.Dapat parating swabe ang mga galaw.Hindi excuse ang walang experience sa ganitong mga scenario.Common sense lang ang kinakailangan....
Payong kaibigan: Huwag gumamit ng 'editing applications'
Payong kaibigan: Huwag maging manyakis
Huwag gayahin ang ginawa ng lalake sa video lalong lalo na sa babaeng kursunada mo.Badtrip ang blog na ito sa mga videong ganyan.'Yung pinagmumukha n'yang manyakis ang mga lalake.Dahil ang taong nasa matinong pag-iisip, hindi mamanyakan ang babaeng target.May mga malulupet na 'da moves' siyang baon para mapa-ibig ang babae.Hindi n'ya kinakailangan maging desperado.Kapag manyakis, bawas pogi points, sira ang image sa babae at nakakapagpaliit ng t*t*.
Sylk's Words of wisdom
Ayon sa mga pag-aaral, ang life span ng isang tao ay dumedepende sa kung saan sila nakatira, ano ang klima ng lugar na kung saan siya naninirahan at ano ang klase ng kanyang pamumuhay.Dito sa Pilipinas, tinatayang ang lalake ay mabubuhay lamang hanggang sa edad na 68 years at 72 days.Sa babae naman, tinatayang hanggang 74 years old at 74 days lang.Para naman sa aso, may life span ito ng hanggang 12 years at 80 days at ang ipis naman na nanakot sa atin ay isa hanggang dalawang taon lamang. Kung tutuusin, masyado itong maiksi para gumawa lang tayo ng mga walang kakwenta-kwentang mga bagay tulad ng pagtatanim ng galit sa isang tao, magkalat ng tsimis na tinira n'ya daw ang asawa ni kumpare o ubusin ang lahat ng oras sa kakalaro ng Tetris Battle na isang apps sa Facebook. Kung hindi mo man alam kung ano ang rason kung bakit ka nandito sa mundo, bigyan mo ng rason ang mga taong malapit sa puso mo kung bakit dapat silang mabuhay dito sa mundo.
Payong panliligaw: Maging misteryoso
Isa sa pinakamabisang sandata sa panliligaw mga babs eh ang maging misteryoso.Kapag misteryoso ang dating sa babaeng target, malaki ang tyansa na dadalawin ang isang babae ng 'curiosity'.At kapag inatake ang babae ng 'curiosity', mapupunla na sa kanyang isipan na kilalanin ka.Kapag nangyari 'yan, kunin ang opportunity para banatan ng mga malulupet na 'pick-up lines' ang babae. Hindi applicable sa mga lalakeng madaldal, maboka o mga lalakeng meron nang record sa presinto dahil nag-amok o nanaksak.
Sylk's Words of wisdom
Para sa mga babae ang post na ito.Alam n'yo mga babs kung merong lalake na nanliligaw sa inyo tapos natatakot kayong sagutin s'ya dahil madami kayong mga 'qualifications', pakiusap ng blog na ito na bigyan ng pagkakataon ang kawawang manliligaw.Hindi naman nangangahulugan na kapag naging mag-syota kayo eh sa simbahan na ang punta ninyo pagkatapos o kapag sinagot mo, obligado ka na magtext sa kanya ng mga baduy na love quotes na halatang forwarded lang.Alam ninyo ang pagpasok sa isang relasyon ay maituturing na 'expiremental stage' ng buhay ng tao.Dahil sa stage ng buhay mo na 'yan, marami kang matututunan habang tumatagal kayo.At habang tumatagal kayo, mas lubos na maiintindihan mo ang pag-uugali ng taong sinagot mo and therefore lalawak ang pananaw at pang-unawa mo sa taong nakapaligid sayo.Huwag na ring ikonsidera ang tingin at tsismis na nakabalot sa lalakeng manliligaw mo.Mas angkop na kilalanin mo siyang mabuti bago niya makuha ang matamis mong "Oo".Wala nang tatalo sa "woman's instincts" na inborn na sa mga chikas...
Payong kaibigan: Huwag makipagtalo sa babaeng may 'mens'
Hindi na kailangan i-discuss ito eh pero sige patulan na baka may ignorante.Payo ng blog na ito na huwag makipagtalo sa mga babaeng may "menstruation".Nagiging pangit ang resulta ng pag-uusap kapag sinabayan mo ang pagkabadtrip ng syota o crush o misis n'yo.Kinakailangang maging understanding sa sitwasyon.Dagdag pogi points kapag nagmumukhang mature mag-isip ang isang lalake.At malaki ang tyansa na ma-realize ng syota mo na mali ang pinapakitang pag-uugali n'ya tungo sayo.Mahirap na baka sa kusina kayo magtalo tapos makabunot ng panaksak si misis edi patay or nasa construction site kayo nag-away tapos makapulot ng pamalo baka ikaw pa hampasin mahirap na.
"Hate messages"
Alam n'yo mga babs natural lang naman sa isang tao na makaranas ng "galit".Isa 'yang inborn na emosyon na nagpapakita ng pagkadismaya o pagkamuhi.Pero ibang usapan na kapag ang galit eh humahantong sa pagka-ignorante at pagiging tanga.Isang magandang halimbawa nito ang pagpatol sa ganitong mga 'hate messages' na halatang ang tinutumbok lang eh dumaldal ng walang ka-sense-sense na bagay at mag-promote ng diskriminasyon. Ang mga taong nasa matinong pag-iisip hindi na papatulan ang ganitong mga pangungutya.Dahil alam nating marami pa tayong mga assignments at thesis na dapat tapusin at busy tayo sa paghahanda ng ireregalo natin sa ating mga crush sa darating na Valentine's Day.Alam din natin sa ating mga sarili na hindi naman ito mangyayari at hindi naman ito totoo. Kung makakita ng ganitong mensahe, isnabin lang. Kapag pinatulan n'yo ang ganitong mga mensahe babs nagiging utak-ignorante na din kayo at lume-level sa pag-iisip ng naglabas ng "hate message".Babae daw 'yan.Intindihin na lang mga babs baka may 'menstruation'....
Huwag mong basahin ito
Wag mo nang basahin 'to.
Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka. Wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam ng iba na matrip ako. Pero ngayon, seryoso ako sa sinasabi ko na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba 'e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa ako kaya tatapusin kona 'to dahil alam kong madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi ko ng wag mo nang basahin ito. The End.
Approximately 1 minute and 3 seconds ang sinayang mong oras. Congratulations! matigas ang ulo mo.
Note: Dito ko 'yan napulot.
Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka. Wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam ng iba na matrip ako. Pero ngayon, seryoso ako sa sinasabi ko na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba 'e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa ako kaya tatapusin kona 'to dahil alam kong madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi ko ng wag mo nang basahin ito. The End.
Approximately 1 minute and 3 seconds ang sinayang mong oras. Congratulations! matigas ang ulo mo.
Note: Dito ko 'yan napulot.
Payong paaralan: Magaling tumakas
Meron talagang mga pagkakataon na habang nag-aaral kayo para bang inaatake kayo ng katamaran at sobrang pagkabagot lalung-lalo na kung boring ang inihahain na lessons ng guro ninyo.'Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na "mas mabuting hindi na lang ako nag-aral at nanonood na lang ako ng cartoons buong araw" mga ganun.Paano na?
Huwag magpanic! Nandito ang blog na ito para lunasan ang nakakamatay na problema n'yong yan.
Isa lang ang sagot namin dyan mga babs. Mag-aral ng "art of escaping" o tumakas.Mahalaga ang skill na ito kapag parang naba-badtrip ka na sa titser mo o mas gugustuhin mong makipagbilyaran sa mga katropa mo.Importante din na hindi ka takot sa heights.Magbaon ng first aid kit kung may mangyaring aksidente.
Sylk's Words of wisdom
Alam n'yo mga babs, hindi naman masama ang makaranas ng negatibong emosyon na tinatawag nating "selos".Ang selos ay isa lamang emosyon na umuusbong dahil sa isa ring negatibong emosyon na kung tawagin natin na "TAKOT".Kapag natatakot ang isang tao, natural na makakaranas ka ng obsesyon na kontrolin ang isang sitwasyon na sa tingin mo eh hindi mo kayang pigilan.Isa lamang 'yang manipestasyon sa kasingit-singitan ng puso mo na wala kang yagbols para magtiwala.Na wala kang self-confidence na pagkatiwalaan ang sarili mo at mga taong nakapaligid sayo.'Yung tipong pa-cool ka pa kahit parang napapariwara na ang image mo sa sinisinta mo.Payo ng blog na ito na kung nagseselos ka sa GF o BF o baklang nagbibigay ng araw-araw na suntento mo, ipakita ang tiwala na binibigay mo noong nagsisimula pa lamang ang inyong relasyon.Banatan ng "nagseselos ako dahil natatakot akong mawala ka" 'yung mga ganun.Hindi nakakabawas ng pogi points 'yun mga babs.Pinapakita mo lang sa chika mo na seryoso ka sa kanya at sa pinupundar ninyong relasyon.Na mas nakakawala ng yagbols kapag kinain ka ng pagseselos mo.
Umay video hits
Ayaw sana naming ilagay ito.Kaso masyadong nakakabahala ang tumataas na bilang ng rape at kung anu-anong krimen na related ang mga manyak sa kanto.Ipinaskil namin ito para lubos na maunawaan ng magagandang chiks ang kanilang kalunos-lunos na kalagayan.Maraming "gintong aral" ang matututunan sa kantang ito.Friendly reminder ng blog na ito na 'wag mai-intimidate sa mga misfitted na mga costume ng mga poser na "gangster".Dahil ang habol lang ng mga 'yan eh ang maka-iskor sa inyo.Ang maka- *tuuut* *tuuut* sa inyo.
Eto ang 'gangster' (si Al Capone 'yan mga babs.I-google na lang kung sino ba siya)
Ito, sertipikadong mga tambay sa kanto
Magsaliksik ng mabuti sa kung ano ang kaibahan ng dalawa.Pwedeng magtanong-tanong sa kinauukulan.
Sylk's Words of wisdom
Kung hindi ka matalino eh ano naman? Kahit na hindi ka matalino meron ka paring puwang dito sa mundo. Hindi mo kinakailangan magpakamatay dahil sa hindi ka nakainom ng gatas na produkto ng "WYETH" noong sanggol ka pa lamang na may pangakong tatalino ka kapag nilaklak mo ang isang lata nito.Alam n'yo mga babs ang mga achievers at pagiging matalino ay hindi sukatan kung magtatagumpay ka sa buhay mo.Kapal ng apog at lakas lang ng loob ang kinakailangan.Hindi mo na rin kailangang sisihin ang mga magulang mo kung bakit ganyan kababa ang I.Q. mo.Sisihin mo ang mga taong tinatapakan ang pagkatao mo dahil sa sinasabi nilang bobo ka.'Yung mga taong nandidiri sayo na animoy mahahawahan mo sila ng 'sakit' mo kuno na ina-assume lang pala nila.'Yung mga taong binu-bully ka dahil sabi nila bobo ka daw.Alam mo mas maswerte ka pa sa kanila.Dahil ang 'pagiging slow' eh nalulunasan ng pagsisikap.Pero ang pagiging arogante at mapangmataas ng mga 'yan eh wala nang lunas.Kahit na Penicillin o Amoxicillin o bakuna pa ng baboy hindi kaya 'yan.Mas malala pa 'yan sa AIDS mga babs....
Payong kaibigan: Iwasan ang "Friendzone"
Naranasan n'yo na bang magkaroon ng kaibigan na habang tumagal eh nahulog na ang loob mo sa kanya?
O hindi kaya nagkalapit kayo ng crush mo at naging bestfriend kayo?
O hindi kaya meron kang crush tapos parang naging gatasan ka lang n'ya ng sagot sa exam?
Ang twist lang eh ang tingin lang ng crush mo sayo eh parang kaibigan lang o hindi kaya parang kapatid lang.
Crush mo pa naman sya noon pang mga grade 1 pa kayo tapos ang tingin lang pala sayo eh kaibigan lang.Mapapamura ka diba? Anak ng!
Pero don't panic mga guys.Nandito ang blog na ito para bigyan kayo ng solusyon sa ganyang mga problema.
Baka na-"FRIENDZONE" ka na! Delikado 'yan mga babs.Wala talagang patutunguhan 'yang relasyon ninyo except na kung magkamilagro o pagpalain ka ng mga anito sa kabundukan.
Payo namin sa ganyang problema eh takasan na 'yan hanggang maaga pa.Wala kayong mapapala dyan mga babs.Aabot lang sa punto na aasa ka ng aasa tapos wala ka namang mapapala.Hassle kaya 'yan.Imbes na gamitin ang oras sa pag-asa sa babae na tingin lang sayo eh kaibigan lang o taga-supply lang sagot sa exams o tagagawa ng project eh gamitin ang oras para makapag-DOTA o hindi kaya manood ng porn sa internet cafe.May bago daw scandal ngayon.'Yung "Ramgen Revilla sex scandal".'Yun na lang ang pagka-abalahan.
Juan Dela Cruz na nagtatagalog
Isa sa pinakaaabangan ng masang pilipino ang nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado ay hindi mismo ang resulta.Mas nananabik pa ang taumbayan sa tuwing magsasalita at magpapahayag ng kanyang saloobin si Sen. Lito Lapid tungkol sa Impeachment.Parang isang napakalaking 'breaking news' pa ang pagtatanong ni Sen. Lapid sa mga witnesses ikumpara sa mga ibinibigay mismo ng ebidensya na importante sa paggulong ng kaso.Teka bakit ba tayo ganito kapraning sa tuwing naglalatag ng kanyang mga agam-agam si Sen.Lapid? Dahil ba artista s'ya? Dahil ba meron siyang bigote? Dahil ba brown 'yung kulay nya? Dahil ba meron s'yang asawang nahuling merong ipit sa *tuut* *tuut* na malaking halaga ng pera?
Tama! Dahil siya lang ang Senador na hindi masyadong bihasa sa wikang ingles.
Teka, magbalik-tanaw tayo sa buhay ni Sen.Lapid.Long, long time ago.....'wag na nga lang.Tinatamad ako.Next time na lang.Ang importante eh nasabi ko na.
Alam natin sa mga sarili natin na hindi nga siya marunong o kung marunong man, hindi n'ya masyadong kabisado ang ligaw ng dila na gamit na lingwahe ng mga konyo o konya.Ang totoo kaya natin inaabangan lahat ng speech na ginagawa ni Sen.Lapid dahil siya lang ang tanging senador na nagtatagalog sa Senado.At ang Senado ay isang lugar na kung saan parang kinakailangan mong gumamit ng ingles sa ayaw mo man o sa hindi.Bagamat walang batas na nagsasaad na paparusahan ka kung gagamit ka ng tagalog sa Senado, parang ma-oobliga ka na lang sa sarili mo na gumamit kahit parang naiilang ka.Na parang tatae ka sa tuwing naririnig mo ang sarili mong nag-i-ingles kahit labag sa kalooban mo.Sa kaso ni Sen. Lapid, parang ganoon ang nangyayari.Nandoon 'yung konting pangungutya dahil sa kasingit-singitan ng ating puso, gusto natin ng konting 'entertainment' sa Senado na ibibigay ni Sen.Lapid sa pamamagitan ng pagkakamali na kanyang gagawin.Ooops, ooops, hindi ko sinabing nangungutya kayo ha.Hindi ko rin sinabi na bobo ang nagtatagalog sa isang lugar na parang required ka na mag-ingles.Binasa n'yo eh baka nga guilty kayo..
Sa bansang ito nagiging uri ng diskriminasyon ang mali-maling paggamit ng wikang ingles.Kung tutuusin hindi naman talaga ginawa ang ating dila para kabisaduhin kung papaano magsalita ang mga dayuhan at hindi tayo ipinanganak ng ating mga magulang para maging idol natin si Justin Bieber o si Chuck Norris o si Mang Kanor na may tinirang menor de edad.Ang tingin kasi natin sa mga taong nag-i-ingles eh parang ang talino nila.Na kapag maluwalhati mong mabigkas ang mga salitang "Hey Joe" o "Baby, baby, baby oh!!" sa banyo eh mukha ka nang cool.Prangkahin ko kayo ha, nagmumukha kayong mga gago.Kaya nga siguro hindi tayo nagkakaiintindihan at nagkakaunawaandahil merong iba na 'pa-cool' sa pag-i-ingles habang ang iba eh hindi masyadong nauunawaan ang wikang ginagamit nila.Sa dinami-dami ng wika ng ating bansa eh sisingit pa ang wika ng mga banyaga na lubos na nagpapagulo sa ating mga utak.Ang tingin kasi ng lipunan na ating kinabibilangan eh kapag marunong kang mag-english, may future ka.Wala namang nagsabi sa atin na kapag bihasa kang mag-english, may future ka.Parang ina-aasume lang natin sa ating mga sarili na itong wika na ito ang magsasalba sa atin sa kahirapan.Na kapag nagtatagalog ka lang o nagbibisaya wala kang future.Oo nga ano, mas mabuti na magpakulay na din tayo ng buhok na katulad sa mga amerikano at mag-almusal na din tayo ng tinapay at peanut butter sa umaga.
Teka ano ba ang punto ko? Wala lang.Share ko lang itong kaunting nilimbag ko.Wala naman talaga akong intensyon na hamakin ang wika ng ibang lahi o kung sino pa man.Baka nga siguro guilty tayo sa nangyayari sa ating bansa.Na kaya hindi umuunlad tayo dahil tayo mismo hindi nagkaka-unawaan kung ano ba talaga ang lingwaheng nararapat nating gamitin.Na sa kaibuturan ng ating mga heart eh we owe ating life sa foreigners..
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)