Payong panliligaw: Maging "exceptional"

 Sa panliligaw mga babs dapat maging 'kakaiba' ka sa paningin ng chika babes na target lalong-lalo na kung attractive siya. Isa ito sa pinakamabisang sandata kung ayaw mong malimutan ka ng chika kahit na hindi pa kayo close. Kung binibigyan ng ibang lalake ang chika ng isang tumpok ng red roses at kung anu-anong klase ng mga bulaklak na makikita sa garden, syempre ikaw hindi mo gagawin ang ginawa nila. Kung binibigyan nila ng teddy bears at Barney na stuff toy ang chika babes, huwag kang magbigay. Tatatak sa utak ng babae kung bakit hindi mo ginagawa ang ginagawa ng iba. Dahil dyan dadalawin ang chika ng curiosity at magiging interesado ang chika sayo. Kung dumating ang pagkakataon, banatan agad ng malulupit na 'da moves' na itinuro ko dito sa dati kong mga post. Importanteng kung gawin mo ang 'da move' na'to, magpakita ng interes sa babae sa pamamagitan ng body language o sa eye contact mismo. Baka ma-misinterpret n'ya ang pag-snab mo mahirap na.

Payong panliligaw: May common sense


  Hindi na dapat pino-post ang mga ganito pero recently meron na naman akong katropa na hindi ginamit ang utak sa pagporma ng chika babes. Mahirap magmukhang tanga sa chika na target. Kumain ng maraming munggo o hindi kaya mani mga babs. Nakakapagpatalino daw 'yan. Iwasan ang pagkain ng taba ng baboy . Nakabobo daw ang sobrang mantika sa utak...

"LIFE IS UNFAIR/FAIR"

. Totoo nga ang kasabihan mga babs na napaka-unfair ng buhay ng tao. Nagiging unfair dahil minsan pumapasok sa ating mga utak kung bakit magkakaiba ang estado ng buhay ng iba kaysa sa atin. Ang iba may kakayahan na bumili ng mga bagay na ninanais nila habang ang iba ay hindi. Kung tutuusin mga babs ang maituturing parin natin ang ating mga sarili na 'swerte' kaysa sa iba. Tumigil muna kayo saglit sa ginagawa ninyo at humanap ng upuan(kung walang upuan na makita, umupo na lang sa sahig. Wag maarte). Isipin ninyo lahat ng mga bagay na maituturing ninyong 'swerte' sa buhay ninyo. Mga bagay na meron kayo na wala ang iba. Dapat matutunan ninyong i-appreciate ang mga bagay na meron kayo dahil kinalaunan 'yan ang magbibigay sa inyo ng motivation na tumulong sa iba. Trust me mga babs...

Sylk's Gintong-aral

May future sa literatura ang gumawa ng tula na'to...

Sylk's Words of wisdom

  Ang buhay natin sa mundo ay walang katiyakan. Alam n'yo mga babs masyadong maiksi ang buhay ng tao. Mahirap isipin na maaalala tayo ng mga naiwan natin dahil sa mga kalokohan at katarantaduhan na ginawa natin habang nabubuhay tayo. Kaya hanggat maaari mga babs, gawin ninyong makabuluhan ang buhay ninyo sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay. Mga bagay na higit na makikinabang ang kapwa mo. Kinakailangan mo lang pakinggan ang puso mo at kagustuhan mong magbahagi ng konti biyaya sa iba. Dahil ang mga mabubuting mga bagay na ibinahagi mo sa iba ay magsisilbing 'logbook' sa kung gaano ka kabuti noong nabubuhay ka pa. At kung gaano kabuti ang isang tao, mas lalong tatatak sa puso ng mga naiwan mo ang mga bagay na ginawa mo na magsisilbing motivation sa kanila na gumawa din ng kabutihan sa kapwa. Pero kung gusto mo talagang hindi ka nila malimutan utangan mo ng malaking halaga ang lahat ng kakilala mo. Promise epektibo 'yan. Baka gawan ka pa nila ng monumento.

(hindi related ang video sa taas)

"JEJETANK"


  "Jejetank" daw tawag dito mga babs. Ayon sa aking source huling ginamit ang sasakyang pandigma na ito noong kapanahunan na nagkaroon ng alitan ang mga drug addict sa kanto at ang mga jejemons kung sino ang magha-harvest ng tinanim nilang marijuana doon kina Aling Loleng. Kargado ng kalawang at hindi mabilang na mga monoblock chairs, ang sasakyang ito ay ginamit bilang sasakyan na pantakas ng nalalabing mga jejemons na naglipana sa kapanahunan natin ngayon.


Umay video hits: COVERS

  Makapangyarihan ang 'social media' mga babs. Kaya mong maging sikat sa buong mundo sa isang iglap lang at kaya mo ring mang-g*ago ng iba depende sa'yong choices. Pero kadalasan talaga mga babs lalong-lalo na sa mga social-networking sites ginagamit ang kapangyarihan ito para mang-g*go at mambadtrip ng kapwa. 
  Sa video, parang lumalabas na gusto talaga ng gumawa nito na sirain ang araw ng mga taong maligaw na ma-click ang ginawa n'yang video. Kung ano ba talaga ang intensyon ng taong 'yan sa paggawa ng video eh walang nakakaalam. Tutal idol naman n'ya si Justin Bieber eh kaya hayaan na.

"SHARING-SHARING"

 Alam kong minsan na din kayong naging biktima ng ganitong mga larawan na kumakalat sa mga social-networking sites. Alam n'yo mga babs maraming mga paraan para mapakita sa iba kung gaano ka devoted sa iyong relihiyon at isa na dito ang simpleng pagbibigay ng tulong na kaya mong ibigay sa mga taong nangangailangan. Badtrip ang blog na ito sa ganyang mga larawan na animoy parang nagbabanta sa'yo na kung hindi mo daw i-share o i-like ang ganitong mga kalokohan eh hindi mo daw love si Papa Jesus. 

"You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes His name in vain."

Remember n'yo pa mga babs ang 10 commandments? Nasasaad sa ikatlong bilang nito na 'wag na 'wag mong gamitin ang pangalan ng diyos sa mga bagay na walang kabuluhan o makapanghamak ng kapwa. Ano ba sa tingin ng mga taong ito ang ginagawa nila sa paggawa ng mga ito? Para mapakita nila sa iba kung gaano nila ka-love si Papa Jesus kahit na busing-busy sila sa kakalaro ng Tetris Battle at Farmville? Na kahit kilig na kilig sila sa panonood ng porn eh nababawasan ang guilt nila dahil sa nai-share o nai-like nila ang ganitong mga kalokohan? Kung inirerespesto nila ang pangalan at kadakilaan ng sinasamba nilang diyos eh hindi sila gagawa nito. Tulad nga ng sinabi ko mga babs maraming mga paraan para maipakita sa iba na mahal mo ang Diyos. Magsimula ka doon. Ang pinakamabisang paraan para masabing naniniwala ka nga kay Papa God eh ang pagtulong sa kahit na anong paraan. Hindi din cute kapag papatol ka sa ganito. Nakakaliit daw to ng pagkalalake eh.