Para sa mga nakakaranas ng "Depression"


    Meron talagang pagkakataon sa buhay mo na kakainin ka ng 'depression'.'Yung tipong parang ayaw mo nang mabuhay dahil sa iba-iba at magkakasalungat na mga rason.Isa itong mental state na walang gamot na makakalunas at tanging oras lang at mala-pantas na mga payo ang solusyon.Merong iba na nade-depressed dahil nagkaproblema sa trabaho.Meron din namang iba na dahil sa 'peer pressure' na kanilang nararanasan sa kanilang grupo na kinabibilangan.Meron ding iba na dahil sa kahirapan.Dito sa bansa natin, kadalasan na nahuhulog sa kahirapan, pisikal na anyo at kwentong pag-ibig ang sanhi kung bakit umuusbong ang depresyon ng isang tao.Ayaw kong palalimin ang topic na ito dahil nakakatamad magsermon ng isang bagay na negatibo na ang magiging finish product lang eh malalim na pagtatanong sa sarili kong nakakaranas ba ako nito.
    Hindi gamot ang pagmumukmok o pagpo-post sa Facebook status mo na under deep depression ka.Hindi din gamot sa depresyon ang pagkalulong sa mga masasamang bisyo at lalong hindi din solusyon ang magdamagang panonood ng porno sa mga internet shops.Ang tanging mapapayo ko lang sa inyo mga babs eh  'wag n'yong sayangin ang oras sa kakaisip na mahirap lusutan ang problema mo.Tandaan, lahat ng problema ay may solusyon at hindi solusyon ang pagiging 'EMO' ng isang tao.Kunware sa trabaho, nape-pressure ka dahil parati kang pinapagalitan ng boss mo.Baka 'calling' mo na 'yan na hindi angkop ang pinasukan mong trabaho sa takbo at mekanismo ng katawan mo.Maghanap ng trabaho na 'friendly' 'yung dating at swak sa panlasa.Kung walang pera, gamitin ang imagination at creativity.Mas malaki ang lamang ng mga taong may talent sa aspeto na ito.Pwede ring mangutang ng puhunan para magpatayo ng maliit na negosyo o sari-sari store 'wag lang tirahin ang paninda para hindi malugi.Pagdating sa problema sa pag-ibig, mahirap magkomento dito. Aminado ako mismo na hindi ko pa nararanasan ang umibig at ibigin at vice-versa (naks, in denial pa ang gago). Ito lang ang mapapayo ko dito, bagamat matagal maghilom ang sugat ng break-up o tampuhan sessions ng dati mong GF/BF, hindi ibig sabihin n'yan titigil na ang takbo ng mundo.Magsasaing, tatae, at magte-tetris battle ka parin at habang buhay bagaman patay ang diwa, magche-check ka parin ng status ng Facebook mo.Ituon ang 'yung atensyon sa mga bagay na magpipilit sayo na maging busy ka.Sa mga magtatangkang magsuicide, wag nang ituloy mag-iiwan lang kayo ng problema sa pamilya ninyo.Paano na ang pambili ng kabaong? 'Yung libreng biskwet na ipapamahagi tuwing gabi ng iyong lamay sino ang bibili? 'Yung ipambabayad sa taong dadasalan ang bangkay mo sino ang magbabayad? Paano na ang tent para sa mga bisita saan kukuha? Sinong bibili ng barong-tagalog mo na isusuot mo kapag patay ka na? Paano kung tuksuhin ka ni San Pedro sa langit na talunan ka nakakahiya diba?Hindi praktikal ang magpakamatay sa panahon na ito.Magmumukha ka lang gago kung ginawa mo 'yan.Parte ng buhay ang mga problema bagamat mahirap minsan, kailangan harapin para tumatag ka.Malay n'yo baka sa hinaharap maging isa kayong matagumpay na tao sa larangan na pipiliin ninyo kaya hassle ang magpakamatay.Sa mga taong nakakabasa nito pero nag-suicide parin, MIDDLE FINGER UP SALUTE para sa inyo.Sa mga nakabasa nito pero depressed parin, basahin ulit baka meron kayong na-miss.Sa mga nabasa na nito at na-inspire sa 'wordplay' kong ito, SALUDO ako sa inyo.Laban lang, masyadong makulay itong mundo para tapusin lang ng isang kutsilyong ginagamit sa kusina...