Boxing match, Animal-style

  Isa ito sa pinakanakakatawang video na napanood ko sa kapanahunan na ito bukod sa nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado.Ayos dahil parang naging isang wrestling match ang nangyaring paghaharap ng ating pamato na si Johnriel Casimero at ang mandarayang matanda na si Luiz "El mosquito" Lazarte ng Argentina.Noong nanood ako ng balita kagabi, naisipan kong i-feature ang balitang ito dahil sigurado akong marami tayong mapupulot na aral.Pagkatapos mapabagsak ng ating pambato na si Casimero sa 10th round ang kalaban, nagtampo ang argentinian fans at binuhos nila ang sama ng loob sa kampo nila Casimero na nauwi sa pananampal, pangungurot, pambabato ng upuan at bote.Ang nakakainis nga lang sa nangyari eh hindi masyadong napatupad ang naaayon na seguridad na dapat eh present sa boxing match na 'yan.Buti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ating boksingero at ang kanyang mga kasamahan.Sa simula pa lang ng laban eh may bahid na ng pandaraya ang galaw at istilo na ginamit ni Lazarte na labag sa itinakdang 'standards' ng boksing.Sino bang matinong boksingero na kakagatin ang kanyang kalaban kapag naglingkisan sila? At sino bang nasa matinong pag-iisip na gagawa ng eksena na na-low blow daw s'ya pero nagjo-joke lang pala?Sa boxing match na ito makikita talaga ang agwat ng edad at kakayahan ng isang tao na umunawa sa isang bagay.Sa parte ni Lazarte, parang pinamumukha n'yang nakawawa s'ya kaya't parang naging isa ito sa mga rason kung bakit sumiklab ang riot.Ang nakakatawa nga lang kumagat naman ang argentinian fans sa drama ni Lazarte.Akala nila eh napakaganda ng kanilang ginawa dahil nakisimpatya sila sa kabiguan ng kanilang pambato.Hindi ata uso sa kanila ang salitang "sportsmanship".Sa susunod bagamat ayaw kong mag-promote ng 'hate', kapag merong magawi na argentinian boxer dito sa atin magbaon kayo ng balisong, paltik na baril, kutsilyo sa kusina, chainsaw o kahit anong nakakamatay na armas if in case na matalo naman ang ating boksingero, meron tayong alternatibong paraan para maipakita ang pagkadismaya ng resulta ng laban.