Sylk's Words of wisdom
Ayon sa mga pag-aaral, ang life span ng isang tao ay dumedepende sa kung saan sila nakatira, ano ang klima ng lugar na kung saan siya naninirahan at ano ang klase ng kanyang pamumuhay.Dito sa Pilipinas, tinatayang ang lalake ay mabubuhay lamang hanggang sa edad na 68 years at 72 days.Sa babae naman, tinatayang hanggang 74 years old at 74 days lang.Para naman sa aso, may life span ito ng hanggang 12 years at 80 days at ang ipis naman na nanakot sa atin ay isa hanggang dalawang taon lamang. Kung tutuusin, masyado itong maiksi para gumawa lang tayo ng mga walang kakwenta-kwentang mga bagay tulad ng pagtatanim ng galit sa isang tao, magkalat ng tsimis na tinira n'ya daw ang asawa ni kumpare o ubusin ang lahat ng oras sa kakalaro ng Tetris Battle na isang apps sa Facebook. Kung hindi mo man alam kung ano ang rason kung bakit ka nandito sa mundo, bigyan mo ng rason ang mga taong malapit sa puso mo kung bakit dapat silang mabuhay dito sa mundo.