Sylk's Words of wisdom


   Alam n'yo mga babs, hindi naman masama ang makaranas ng negatibong emosyon na tinatawag nating "selos".Ang selos ay isa lamang emosyon na umuusbong dahil sa isa ring negatibong emosyon na kung tawagin  natin na "TAKOT".Kapag natatakot ang isang tao, natural na makakaranas ka ng obsesyon na kontrolin ang isang sitwasyon na sa tingin mo eh hindi mo kayang pigilan.Isa lamang 'yang manipestasyon sa kasingit-singitan ng puso mo na wala kang yagbols para magtiwala.Na wala kang self-confidence na pagkatiwalaan ang sarili mo at mga taong nakapaligid sayo.'Yung tipong pa-cool ka pa kahit parang napapariwara na ang image mo sa sinisinta mo.Payo ng blog na ito na kung nagseselos ka sa GF o BF o baklang nagbibigay ng araw-araw na suntento mo, ipakita ang tiwala na binibigay mo noong nagsisimula pa lamang ang inyong relasyon.Banatan ng "nagseselos ako dahil natatakot akong mawala ka" 'yung mga ganun.Hindi nakakabawas ng pogi points 'yun mga babs.Pinapakita mo lang sa chika mo na seryoso ka sa kanya at sa pinupundar ninyong relasyon.Na mas nakakawala ng yagbols kapag kinain ka ng pagseselos mo.