Kung alam mong gamitin ang salitang ito, may future ka.Kadalasan nagagamit ang salitang ito kung patay-malisya kang may intensyon sa babae o meron kang gusto pero ina-assume mo na wala kang pake.Dahil situational ang salita na ito, masyadong itong 'handy' gamitin at parang nandoon ang aspeto na hindi ka guilty.Kumbaga wala itong kaakibat na responsibilidad kasi nga para mo na ring sinabi na "joke lang" kapag ginagamit mo ito.At dahil malapit na ang "Valentines Day", pwedeng gamitin ang mala-anitong kapangyarihan ng "WHAT IF" sa didiskartehang chiks.
Kunware may gusto kang chiks pero nagdadalawang-isip ka kasi baka i-reject n'ya yang nararamdaman mo:
'WHAT IF' manliligaw ako sayo? OK lang ba?
Kung ang sagot ay "OO", pwede nang diskartehan.
Pero kung ang sagot eh "HINDI" tapos blah blah blah...
Eto ang isagot:
'WHAT IF' lang naman eh.Hindi ka na mabiro.
Kunware gusto mo s'yang ilabas pero baka ayawan ka n'ya dahil mukha kang manyakis:
'WHAT IF' kung i-date kita ngayong Valentines Day, OK lang ba?
Kung ang sagot eh "OO", chance mo na 'yan para maka-iskor.
Kung ang sagot naman eh "HINDI" kasi blah blah blah...
Ganito ang ibanat:
'WHAT IF' lang naman eh.May ka-date kaya ako sa Valentines Day.
Ang essence talaga ng salitang ito ay para takasan ang sitwasyon na panget o hindi kaaya-aya.Gawing guide ang mga halimbawa sa taas para sa gusto mong babae.Merong ibang babae na nag-aantay lang ng 1st move para mapagbigyan ka.Malay mo baka kursunada ka rin ng chiks, tanga ka lang.