Payong panliligaw: Maparaan


  Kahit sa anong oras o anong lugar mapa-kubeta man o nasa kasukalan ng  kagubatan, dapat lagi kang handa.Dapat hindi nagiging hadlang ang kawalan ng mga bagay para maisagawa ang ninanais para mapa-impress ang babaeng target.Dahil nakakagwapo sa isang lalake ang pagiging maparaan.Dyan papasok ang creativity at imagination ng lalake.Hindi rason ang kawalan ng utak sa ganitong mga pagkakataon.Kunware...

Kunware wala kang pamasahe.Ano ang gagawin mo?
Hindi ka maparaan kung pipilin mong maglakad ng ilang kilometro para lang makauwi sa bahay.Pwedeng mangutang o magkunwareng palaboy para makahingi ng mga barya sa mga dumadaan.
Kunware walang natirang ulam.Gutom ka pa naman.Ano ang gagawin mo?
Magwala sa bahay.Istorbohin ang kapitbahay o mag-amok sa inyong lugar.Maghamon ng away sa mga tambay at lasenggo sa kanto kung kinakailangan.Dapat ilabas ang pagkabadtrip dahil hindi ka tinirahan ng ulam.Badtripin n'yo na ang tulog 'wag lang ang gutom.

Dapat laging handa.Dapat laging mabilis mag-isip sa mga emergency na kakaharapin.