Sa mga gustong magpayo....
Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.
Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang kaibigan.Sa totoo lang mga babs mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa nararanasan ito.At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang kaibigan mo.Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.Kung gusto ninyong magbigay payo sa katropang may problema, sundin ang mga sumusunod..
1.Maging totoo-Importante na dapat totoo ang ipinapayo sa kaibigan.Problemado s'ya at kinakailangan n'ya ng isang tao na pwedeng magsabi sa kanya ng pwede n'yang gawin para malutas n'ya ito.Kinakailangan na maging sensitive at ilagay ang sarili mo sa lugar n'ya.Ano ang mararamdaman mo kung panay biro ang ibinibigay na payo n'ya sayo? Hindi ba't nakakabadtrip?
2.Humingi ng permiso- Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magmagaling o dumaldal ng kung anu-ano sa problemadong kaibigan.Meron talagang mga problema na tanging ang kanyang sarili lang at oras ang solusyon.Dapat madali kang maka-get up sa ganitong mga pagkakataon.Dapat 'wag magpaka-epal at huwag siyang gambalain.
3.Mag-suggest ng alternatives- Sa isang problema, maraming pwedeng maisip na solusyon depende na sa taong humaharap dito.Kung nagsa-suggest ng kung anu-ano sa kaibigan, dapat ikaw mismo sa sarili mo 'yun ang nakikita mong pwedeng ipayo.
4.Magaling magkwento- Alam n'yo mga babs malakas talaga ang hatak ng isang nagpapayo kung alam n'ya kung papaano ito ihambing sa isang kwento o experience n'ya sa kanyang buhay.Sa ganyan na pamamaraan, madali n'yang maunawaan ang sitwasyon.
5.Huwag maging judgemental- Kung mag-share man ang kaibigan mo sa kanyang mga problema, dapat i-appreciate mo ito.Dahil kung nag-share sayo ang kaibigan mo, nangangahulugan 'yan na may tiwala siya sa'yo at alam niyang makakatulong ka sa kanya.Kung meron man siyang maisip na solusyon, unawain ito at tingnan kung ano ang mga posibilidad kung susundin n'ya ito.
6.Huwag mag-promise- Alam mo dapat kung kailan nagbibitiw ng pangako.Kung magbibigay ng payo, huwag mong sabihin sa kaibigan mong garantisadong gagana 'yang binigay na payo mo sa kanya.Kung wala kang psychic powers, huwag mong i-assume na tatalab 'yan unless kakosa mo si Chuck Norris.
7.Magbakasyon- Kapag magulo ang utak ng kaibigan mo, dapat yayain mo s'ya na magrelax.Sa ganyang paraan, makakapag-isip s'ya ng mabuti at tama.Nagiging pangit ang resulta kapag magulo ang utak ng tao.Parehas lang din ang prinsipyo sa paglutas ng isang problema.
8.May feelings- Sa bawat bibitawan na salita, dapat may feelings.Dapat may personal touch dahil naa-appreciate ng isang tao ang mga payo na galing sa puso.'Yan naman ang importante eh.Galing sa puso.
Kung plano ninyong magbigay payo sa iba na nakakaranas ng matinding problema, sundan ang mga guide na ito.Tulad ng sinabi ko, hindi din ito garantisadong epektibo pero ayos kung dito ka magsimula.Dahil ang pag-intindi sa isang tao at pagbibigay ng payo ay mahabang proseso.Mas nakakataba ng puso mga babs kung ikaw mismo sa sarili mo masabi mong nakatulong ka sa pamamagitan ng mga salita mo at na-inspire mo silang harapin ang kanilang problema sa kabila ng hirap at sakit.At oo nga pala, lahat ng problema, may magandang produkto.Pwedeng experience o awareness.Experience dahil alam mo na ang gagawin kung mahaharap ka ulit sa ganito at awareness dahil kung ikaw man ang dahilan kung bakit sumulpot 'yang problema mo, alam mo na kung papaano ito iiwasan sa susunod.