"SHARING-SHARING"

 Alam kong minsan na din kayong naging biktima ng ganitong mga larawan na kumakalat sa mga social-networking sites. Alam n'yo mga babs maraming mga paraan para mapakita sa iba kung gaano ka devoted sa iyong relihiyon at isa na dito ang simpleng pagbibigay ng tulong na kaya mong ibigay sa mga taong nangangailangan. Badtrip ang blog na ito sa ganyang mga larawan na animoy parang nagbabanta sa'yo na kung hindi mo daw i-share o i-like ang ganitong mga kalokohan eh hindi mo daw love si Papa Jesus. 

"You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes His name in vain."

Remember n'yo pa mga babs ang 10 commandments? Nasasaad sa ikatlong bilang nito na 'wag na 'wag mong gamitin ang pangalan ng diyos sa mga bagay na walang kabuluhan o makapanghamak ng kapwa. Ano ba sa tingin ng mga taong ito ang ginagawa nila sa paggawa ng mga ito? Para mapakita nila sa iba kung gaano nila ka-love si Papa Jesus kahit na busing-busy sila sa kakalaro ng Tetris Battle at Farmville? Na kahit kilig na kilig sila sa panonood ng porn eh nababawasan ang guilt nila dahil sa nai-share o nai-like nila ang ganitong mga kalokohan? Kung inirerespesto nila ang pangalan at kadakilaan ng sinasamba nilang diyos eh hindi sila gagawa nito. Tulad nga ng sinabi ko mga babs maraming mga paraan para maipakita sa iba na mahal mo ang Diyos. Magsimula ka doon. Ang pinakamabisang paraan para masabing naniniwala ka nga kay Papa God eh ang pagtulong sa kahit na anong paraan. Hindi din cute kapag papatol ka sa ganito. Nakakaliit daw to ng pagkalalake eh.