Kung babae ka at nasa edad ka na ng pagdadalaga, siguradong maraming boys na lalapit sa iyo.Magpapa-pansin, magfi-flirt, magpapa-impress, kapag meron kang buhat na mabigat na bagay sila ang bubuhat, ililibre ka ng puto sa kanto, bibigyan ka parati ng 1/4 kapag may quiz, ETC.Priority ang babae sa lahat ng pagkakataon.Ito ang pinakamagandang parte ng pagiging dalaga ng isang babae, ang madaming manliligaw.At kapag dumating na ang araw na 'yun dapat alam mo ang iyong gagawin.Dapat kargado ka ng kaalaman ng ma-enjoy mo ang pagkababae mo dahil bihira lang ito dumaan sa buhay.Kung maraming gusto umangkin ng puso mo o manligaw, dapat magpakipot.Dahil ang pagpapakipot ay nagiging sukatan kung seryoso ba ang lalake sa iyo.Sa oras din na nagpapakipot ka, nabibigyan mo ang sarili mo ng oras para kilatising mabuti ang manliligaw.Dapat pa-hard to get parati ang tema.Dapat hindi agad-agad sasagot ng "oo" kapag tinanong na pwede ka bang maging syota.Dapat kawawain muna ang lalake bago sagutin.
Sa mga gustong magpayo....
Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.
Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang kaibigan.Sa totoo lang mga babs mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa nararanasan ito.At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang kaibigan mo.Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.Kung gusto ninyong magbigay payo sa katropang may problema, sundin ang mga sumusunod..
1.Maging totoo-Importante na dapat totoo ang ipinapayo sa kaibigan.Problemado s'ya at kinakailangan n'ya ng isang tao na pwedeng magsabi sa kanya ng pwede n'yang gawin para malutas n'ya ito.Kinakailangan na maging sensitive at ilagay ang sarili mo sa lugar n'ya.Ano ang mararamdaman mo kung panay biro ang ibinibigay na payo n'ya sayo? Hindi ba't nakakabadtrip?
2.Humingi ng permiso- Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magmagaling o dumaldal ng kung anu-ano sa problemadong kaibigan.Meron talagang mga problema na tanging ang kanyang sarili lang at oras ang solusyon.Dapat madali kang maka-get up sa ganitong mga pagkakataon.Dapat 'wag magpaka-epal at huwag siyang gambalain.
3.Mag-suggest ng alternatives- Sa isang problema, maraming pwedeng maisip na solusyon depende na sa taong humaharap dito.Kung nagsa-suggest ng kung anu-ano sa kaibigan, dapat ikaw mismo sa sarili mo 'yun ang nakikita mong pwedeng ipayo.
4.Magaling magkwento- Alam n'yo mga babs malakas talaga ang hatak ng isang nagpapayo kung alam n'ya kung papaano ito ihambing sa isang kwento o experience n'ya sa kanyang buhay.Sa ganyan na pamamaraan, madali n'yang maunawaan ang sitwasyon.
5.Huwag maging judgemental- Kung mag-share man ang kaibigan mo sa kanyang mga problema, dapat i-appreciate mo ito.Dahil kung nag-share sayo ang kaibigan mo, nangangahulugan 'yan na may tiwala siya sa'yo at alam niyang makakatulong ka sa kanya.Kung meron man siyang maisip na solusyon, unawain ito at tingnan kung ano ang mga posibilidad kung susundin n'ya ito.
6.Huwag mag-promise- Alam mo dapat kung kailan nagbibitiw ng pangako.Kung magbibigay ng payo, huwag mong sabihin sa kaibigan mong garantisadong gagana 'yang binigay na payo mo sa kanya.Kung wala kang psychic powers, huwag mong i-assume na tatalab 'yan unless kakosa mo si Chuck Norris.
7.Magbakasyon- Kapag magulo ang utak ng kaibigan mo, dapat yayain mo s'ya na magrelax.Sa ganyang paraan, makakapag-isip s'ya ng mabuti at tama.Nagiging pangit ang resulta kapag magulo ang utak ng tao.Parehas lang din ang prinsipyo sa paglutas ng isang problema.
8.May feelings- Sa bawat bibitawan na salita, dapat may feelings.Dapat may personal touch dahil naa-appreciate ng isang tao ang mga payo na galing sa puso.'Yan naman ang importante eh.Galing sa puso.
Kung plano ninyong magbigay payo sa iba na nakakaranas ng matinding problema, sundan ang mga guide na ito.Tulad ng sinabi ko, hindi din ito garantisadong epektibo pero ayos kung dito ka magsimula.Dahil ang pag-intindi sa isang tao at pagbibigay ng payo ay mahabang proseso.Mas nakakataba ng puso mga babs kung ikaw mismo sa sarili mo masabi mong nakatulong ka sa pamamagitan ng mga salita mo at na-inspire mo silang harapin ang kanilang problema sa kabila ng hirap at sakit.At oo nga pala, lahat ng problema, may magandang produkto.Pwedeng experience o awareness.Experience dahil alam mo na ang gagawin kung mahaharap ka ulit sa ganito at awareness dahil kung ikaw man ang dahilan kung bakit sumulpot 'yang problema mo, alam mo na kung papaano ito iiwasan sa susunod.
Gwapong lalake qualifications: Parating healthy and active
Kahit na magmukhang pulubi o nagulpi, dapat parating healthy ang lalake sa mata ng pinopormahan chika.Malaki ang ginagampanan nitong papel kapag nasa daan na kayo ng "getting to know each other".Dahil attractive sa babae ang healthy na lalake.Dapat kumain ng maraming gulay o prutas at uminom din ng maraming tubig para lumabas lahat ng toxins sa katawan mo.Mas maganda kung meron kayong pera para pang-gym o kung walang budget, gamitin ang imagination.Madaming malalaking bato d'yan mga babs sa paligid o pwede ding mang-snatch para tumaas ang ability mong umilag at mag-isip kung saan ka tatakbo para hindi ka magulpi ng taumbayan.
Payong panliligaw: Parating nagtu-toothbrush
Hindi na dapat i-lecture ang mga bagay na katulad nito pero sige patulan baka makalimutan.Payo ko sa inyo mga babs na parating i-consider ang move na ito.Dahil kapag mabaho ang hininga at maamoy ng kursunada mong chika, baka maturn-off bigla sa'yo.Sayang din ang ilang buwan na effort ng panliligaw sa chika.Sayang ang perang ginamit sa pagbili ng mga flowers at chocolates na ibinigay mo sa kanya na sana ipinang-DOTA mo na lang.Mas maganda kung i-practice ang gawain na ito lima hanggang pitong beses sa isang araw para siguradong patay ang mikrobyong naninirahan sa bunganga mo.Nagiging rason din ito kung bakit nababasted ang lalake kaya mag-ingat.
Umay video hits: Justin Bieber
Kung titingnan at uusisain ng mabuti ang nakakapaloob sa video na ito, halatang may matinding galit ang nag-upload ng video kay Justin Bieber.Pero mga babs hindi ko ini-encourage kayong magtanim ng matinding poot at hinanakit sa mga bagay-bagay o tao sa'yong paligid.Dahil alam ng isang gwapong lalake na nakakamatay ang mga bagay na 'yan.Masama sa puso ang kahit na anong uri ng galit at kung anu-anong mga negative emotions kaya next time kung may matinding galit kayo sa isang tao o sa kung sino man, ibuhos na lamang ang oras na ilalaan mo sana sa pagkabadtrip sa mga bagay na magbibigay sayo ng konting aliw at saya.Maraming mga blogs at websites dyan mga babs na pwedeng bisitahin para ma-enrich ang utak ng isang gwapong lalake.Pwedeng sumegway din sa panonood ng porn pero siguraduhin na munang sa liblib at kasuluk-sulukan na unit ang gamitin para iwas-buko.Mahirap matuksong manyakis at bawas pogi points sa pinopormahang chika.
Payong panliligaw: Hindi emosyonal mag-post sa mga Social networking sites
Isa ito sa dapat iniiwasan ng lalakeng aspiring na syumota ng magagandang chika, ang mag-post ng kung anu-anong emosyonal na bagay sa Facebook o sa Twitter.Dahil ang lalakeng nasa matinong pag-iisip, hindi gagawin ang mga cheap na bagay na mga 'yan.Nagmumukha lang immature at tanga at bawas pogi points.Magpo-post lang s'ya kung nakakagwapo ito sa kanya o kung nagagamit n'ya ang kapangyarihan ng social media para mambola ng chikas.Pwede ding magpo-post s'ya ng kung anu-ano basta hindi nito nasasaklaw ang pagka-EMO o pagiging engot.
Payong kaibigan: Hindi nagpapaalam ng birthday
Isa sa dapat ikonsidera ng isang lalake ay ang kanyang budget.Kapag pera ang pinag-uusapan, binibigyan n'ya ito ng malaking importansya dahil alam n'ya na vital ito sa panliligaw o sa pang-araw-araw na pangangailangan.Kung magbi-birthday ang isang lalake, nangangahulugan ito ng gastusin.Sa ganitong mga pagkakataon mga babs, hindi dapat basta-basta idadaldal ang araw ng kapanganakan.Dahil kapag nagkamali kang i-share sa iba ang impormasyon na 'to, tiyak na mamumulubi ka kinabukasan.Dapat ishini-share n'ya lang ito sa iilan na malapit sa kanyang puso para hindi malaki ang gastos at para narin iwas-hang over pagkatapos ng magdamagang inuman.
Payong panliligaw: Maggupit ng buhok sa ilong
Kung plano ninyong manligaw mga babs, isa ito sa qualifications, ang gupitin ang buhok sa ilong kung mahaba na.Kapag mahaba na ang buhok sa ilong, dapat hinahanapan ito agad ng paraan para putulin ito.Dahil kadalasan, isa ito sa mga rason kung bakit nababasted ang isang lalake.Dapat sa malulupet na pambobola at 'pick-up lines' mapatigil ang mundo ng babae hindi dahil sa mahabang buhok sa ilong.
Matinong lalake: Hindi tsismoso
"Pare, sabi ni Bruno tinira mo daw si *tuuut* *tuuut* kanina sa damuhan.Totoo ba 'yun?"
"Dre, anak mo daw 'yung panganay ni kumare?"
"Tol, nangutang ka daw ng pang-DOTA sa syota mong bakla?"
Tsk, tsk, tsk...Gawain lang ng mga baklang manikurista ang mga ganyan.Ang matinong lalake, hindi madaldal.Kung dadaldal man s'ya ng mga bagay-bagay, dapat sa babaeng pinopormahan n'ya ito ginagawa at parating mga malulutong na 'pick-up lines' ang binabanat para mapatawa ang chika.Or pwede ding dadaldal sya ng kung anu-ano para hikayatin ang kapwa n'ya lalake na makipag-inuman.Hindi s'ya pupunta sa kapitbahay para mamalita sa kung ano ang mga pwedeng i-tsismis o ipanira sa kapwa n'ya.Meroong s'yang mga priorities sa buhay na dapat mas pagtuunan ng pansin
Usapang lalake 101: Pag-intindi
Kahit na sinong mga matatalinong mga iskolar ng bayan at pati na rin ang mga hinahangaan nating mga pantas eh hindi talaga alam kung ano ba talaga ang tinatakbo ng utak ng mga babae.Masyadong komplikado kung mag-isip ang babae kayat minsan wala tayong ka-alam-alam na meron na pala siyang dinaramdam sa atin.Isa ito sa pinakamalaking misteryo na nakabalot sa mga babae.Kadalasan, ang kinahahantungan lang ng mga lalakeng nagtangkang maintindihan ang mga babae na walang experience sa ganitong mga bagay eh nagmumukhang tanga, trying-hard, may tililing sa utak o 'yung mga taong emosyonal kung mag-post sa Facebook.Kung meron kang plano sa target na chika, isa sa pinakamabisang move na gagawin mo ay ang malaman kung ano ba talaga ang mga hinanaing at gusto ng babae.Dahil para mapa-ibig ang babae, dapat meron kang plano.Meron kang mga sinusunod na guidelines at ethics sa target na chika ng hindi magmukhang ewan kapag kaharap na s'ya.Concern ako sa kapwa ko mga lalake kaya gumawa ako ng konting listahan para hindi kayo mapariwara sa tatahakin ninyong landas.Listahan ito tungkol sa nakabalot na hiwaga kung papaano maintindihan ang mga babae.
1.Maging simple- Isa sa mga pinakamaling hakbang kapag pumoporma sa isang chika ay ang magmukhang arogante at mayabang.Isang malaking 'turn-off' ito sa mga babae mga babs.OK lang naman kung tutuusin ang napakalaking tiwala sa sarili o 'confidence' pero kung sosobra natural nakakasama.Dahil sa utak ng babae, kung totoo man 'yang mga pinagyayabang mo sa kanya hindi mo na ito ipagsisigawan sa kanyang harapan o sa madla.Mas appealing sa isang babae kung sa ibang tao n'ya marinig ang mga achievements mo o ang pagkagwapo mo kaysa marinig n'ya ito sa bibig mismo ng lalake.
2.Huwag maging 'demanding'- Isa din itong malaking 'turn-off' sa isang babae, ang pagiging demanding.Alam n'yo mga babs kung masyadong needy ang isang lalake, nangangahulugan lang ito na hindi maganda ang takbo ng relasyon mo sa kapwa mo dahil kinakain mo na lang lahat ng kanyang atensyon.Walang matinong babae ang mag-iisip na dapat siya na lang parati ang nasa isip ng isang lalake dahil kadalasan, nagiging isa ito malaking pabigat kinalaunan.Payo ko sa inyo mga babs, kung gusto n'yo talaga ang chika, sundin lang ito.
3.Maging totoo sa sarili- Alam n'yo babs kahit na hindi ka man kagwapuhan sa paningin ng iba o mismo sa target na chika hindi ito magiging hadlang para mapasagot ang babae.Sa panahon na ito na naglipana sa eskinita ang mga gwapong lalake na may tinatagong bonggang-bonggang pagkatao o in short shutey o bakla, minsan na lang makakakita ng mga lalake na as in lalakeng-lalake talaga.Kung ikaw mismo sa sarili mo presentable ka sa harap ng chika, pwede na 'yan.Dahil sa utak ng babae, kung papaano mo pinapahalagahan ang sarili mo eh 'yun din ang iniisip n'ya na pagpapahalaga na ibibigay mo kung sasagutin ka man n'ya.
4.Maging 'attentive'- Isa ito sa bumebentang pamamaraan kapag pumoporma sa chika, ang maging attentive.Binibigyan n'ya ng malaking puwang sa puso n'ya ang lalakeng pinapahalagahan ang kanyang mga saloobin, hinanakit, o opinyon sa mga bagay-bagay.Dahil gusto ng mga babae na meroong taong makikinig sa kanya at magpapayo sa kanya.Kaya kung meron man s'yang i-share sa inyo tungkol sa kanyang nararamdaman mga babs, unawain ang sitwasyon at payuhan ng kung ano ang pwedeng magandang solusyon na maiisip mo.
5.Mahalin ang sarili- Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, sa utak ng babae, ganoon din ang ibibigay mong pagmamahal sa kanya.Kahit na basurero ka man o ikaw si Justin Bieber, kung makikita ng isang babae na mahal mo talaga ang trabaho mo eh mahuhulog at maa-attract talaga s'ya sa'yo.Nasa utak na talaga ng tao mapa-lalake man o babae ang mabighani sa mga mababait na tao.Its a human nature yu know!
Kung gusto n'yong pumorma sa chika mga babs, sundin lang ang mga ito.Hindi naman ito masyadong komplikado para maintindihan ng isang gwapong lalake na gustong manligaw sa crush sa eskwelahan o ka-officemate.Tandaan n'yo mga babs, hindi garantisado na kung susundin n'yo itong nilimbag ko eh mapapa-oo n'yo na ang chika.Personal experience ko ito mismo.Produkto ito sa magdamagang pagbabasa ng mga artikulo na related sa pag-ibig at babae pati na rin ang masusing pagmamasid sa takbo ng utak ng mga tao.Kung makatulong man ito, libre n'yo ko ng coke float sa susunod o fishbol kung kulang ang budget.Tatanawin ko 'yan na malaking utang na loob mga babs pwera na lang kung bale-isang piso lang ng fishbol ang panlilibre nyo mga walang hiya kayo.
Payong panliligaw: Maparaan
Kahit sa anong oras o anong lugar mapa-kubeta man o nasa kasukalan ng kagubatan, dapat lagi kang handa.Dapat hindi nagiging hadlang ang kawalan ng mga bagay para maisagawa ang ninanais para mapa-impress ang babaeng target.Dahil nakakagwapo sa isang lalake ang pagiging maparaan.Dyan papasok ang creativity at imagination ng lalake.Hindi rason ang kawalan ng utak sa ganitong mga pagkakataon.Kunware...
Kunware wala kang pamasahe.Ano ang gagawin mo?
Hindi ka maparaan kung pipilin mong maglakad ng ilang kilometro para lang makauwi sa bahay.Pwedeng mangutang o magkunwareng palaboy para makahingi ng mga barya sa mga dumadaan.
Kunware walang natirang ulam.Gutom ka pa naman.Ano ang gagawin mo?
Magwala sa bahay.Istorbohin ang kapitbahay o mag-amok sa inyong lugar.Maghamon ng away sa mga tambay at lasenggo sa kanto kung kinakailangan.Dapat ilabas ang pagkabadtrip dahil hindi ka tinirahan ng ulam.Badtripin n'yo na ang tulog 'wag lang ang gutom.
Dapat laging handa.Dapat laging mabilis mag-isip sa mga emergency na kakaharapin.
Boxing match, Animal-style
Isa ito sa pinakanakakatawang video na napanood ko sa kapanahunan na ito bukod sa nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado.Ayos dahil parang naging isang wrestling match ang nangyaring paghaharap ng ating pamato na si Johnriel Casimero at ang mandarayang matanda na si Luiz "El mosquito" Lazarte ng Argentina.Noong nanood ako ng balita kagabi, naisipan kong i-feature ang balitang ito dahil sigurado akong marami tayong mapupulot na aral.Pagkatapos mapabagsak ng ating pambato na si Casimero sa 10th round ang kalaban, nagtampo ang argentinian fans at binuhos nila ang sama ng loob sa kampo nila Casimero na nauwi sa pananampal, pangungurot, pambabato ng upuan at bote.Ang nakakainis nga lang sa nangyari eh hindi masyadong napatupad ang naaayon na seguridad na dapat eh present sa boxing match na 'yan.Buti na lang at hindi masyadong napuruhan ang ating boksingero at ang kanyang mga kasamahan.Sa simula pa lang ng laban eh may bahid na ng pandaraya ang galaw at istilo na ginamit ni Lazarte na labag sa itinakdang 'standards' ng boksing.Sino bang matinong boksingero na kakagatin ang kanyang kalaban kapag naglingkisan sila? At sino bang nasa matinong pag-iisip na gagawa ng eksena na na-low blow daw s'ya pero nagjo-joke lang pala?Sa boxing match na ito makikita talaga ang agwat ng edad at kakayahan ng isang tao na umunawa sa isang bagay.Sa parte ni Lazarte, parang pinamumukha n'yang nakawawa s'ya kaya't parang naging isa ito sa mga rason kung bakit sumiklab ang riot.Ang nakakatawa nga lang kumagat naman ang argentinian fans sa drama ni Lazarte.Akala nila eh napakaganda ng kanilang ginawa dahil nakisimpatya sila sa kabiguan ng kanilang pambato.Hindi ata uso sa kanila ang salitang "sportsmanship".Sa susunod bagamat ayaw kong mag-promote ng 'hate', kapag merong magawi na argentinian boxer dito sa atin magbaon kayo ng balisong, paltik na baril, kutsilyo sa kusina, chainsaw o kahit anong nakakamatay na armas if in case na matalo naman ang ating boksingero, meron tayong alternatibong paraan para maipakita ang pagkadismaya ng resulta ng laban.
Kadalasan..
Nagagamit ang Facbook sa pagpapahayag ng damdamin.Kadalasan din, nagagamit ito para ipakita sa iba na hindi mo na ginagamit 'yan utak mo.Na mas pinapaboran mo pang maglaro ng Tetris at Farmville kaysa sa mag-study sa mga lessons sa paaralan...
Payong panliligaw: Parating kalmado
Kung poporma sa chiks na kursunada o target, dapat parating kalmado.Alam n'yo mga babs ang mga babae walang pinagkaiba.Nagsusuklay ng buhok, gumagamit ng pantyliner, nagme-mens, dumudura ng pleme, nagkakaroon ng sipon, nangungulangot, tumatae, ETC.Pare-parehas lang 'yan.Kapag nagmumukhang natataranta at natatameme, nagmumukhang tanga.At kapag nagmukhang tanga sa chikang target, bawas pogi points.Dapat parating swabe ang mga galaw.Hindi excuse ang walang experience sa ganitong mga scenario.Common sense lang ang kinakailangan....
Payong kaibigan: Huwag gumamit ng 'editing applications'
Payong kaibigan: Huwag maging manyakis
Huwag gayahin ang ginawa ng lalake sa video lalong lalo na sa babaeng kursunada mo.Badtrip ang blog na ito sa mga videong ganyan.'Yung pinagmumukha n'yang manyakis ang mga lalake.Dahil ang taong nasa matinong pag-iisip, hindi mamanyakan ang babaeng target.May mga malulupet na 'da moves' siyang baon para mapa-ibig ang babae.Hindi n'ya kinakailangan maging desperado.Kapag manyakis, bawas pogi points, sira ang image sa babae at nakakapagpaliit ng t*t*.
Sylk's Words of wisdom
Ayon sa mga pag-aaral, ang life span ng isang tao ay dumedepende sa kung saan sila nakatira, ano ang klima ng lugar na kung saan siya naninirahan at ano ang klase ng kanyang pamumuhay.Dito sa Pilipinas, tinatayang ang lalake ay mabubuhay lamang hanggang sa edad na 68 years at 72 days.Sa babae naman, tinatayang hanggang 74 years old at 74 days lang.Para naman sa aso, may life span ito ng hanggang 12 years at 80 days at ang ipis naman na nanakot sa atin ay isa hanggang dalawang taon lamang. Kung tutuusin, masyado itong maiksi para gumawa lang tayo ng mga walang kakwenta-kwentang mga bagay tulad ng pagtatanim ng galit sa isang tao, magkalat ng tsimis na tinira n'ya daw ang asawa ni kumpare o ubusin ang lahat ng oras sa kakalaro ng Tetris Battle na isang apps sa Facebook. Kung hindi mo man alam kung ano ang rason kung bakit ka nandito sa mundo, bigyan mo ng rason ang mga taong malapit sa puso mo kung bakit dapat silang mabuhay dito sa mundo.
Payong panliligaw: Maging misteryoso
Isa sa pinakamabisang sandata sa panliligaw mga babs eh ang maging misteryoso.Kapag misteryoso ang dating sa babaeng target, malaki ang tyansa na dadalawin ang isang babae ng 'curiosity'.At kapag inatake ang babae ng 'curiosity', mapupunla na sa kanyang isipan na kilalanin ka.Kapag nangyari 'yan, kunin ang opportunity para banatan ng mga malulupet na 'pick-up lines' ang babae. Hindi applicable sa mga lalakeng madaldal, maboka o mga lalakeng meron nang record sa presinto dahil nag-amok o nanaksak.
Sylk's Words of wisdom
Para sa mga babae ang post na ito.Alam n'yo mga babs kung merong lalake na nanliligaw sa inyo tapos natatakot kayong sagutin s'ya dahil madami kayong mga 'qualifications', pakiusap ng blog na ito na bigyan ng pagkakataon ang kawawang manliligaw.Hindi naman nangangahulugan na kapag naging mag-syota kayo eh sa simbahan na ang punta ninyo pagkatapos o kapag sinagot mo, obligado ka na magtext sa kanya ng mga baduy na love quotes na halatang forwarded lang.Alam ninyo ang pagpasok sa isang relasyon ay maituturing na 'expiremental stage' ng buhay ng tao.Dahil sa stage ng buhay mo na 'yan, marami kang matututunan habang tumatagal kayo.At habang tumatagal kayo, mas lubos na maiintindihan mo ang pag-uugali ng taong sinagot mo and therefore lalawak ang pananaw at pang-unawa mo sa taong nakapaligid sayo.Huwag na ring ikonsidera ang tingin at tsismis na nakabalot sa lalakeng manliligaw mo.Mas angkop na kilalanin mo siyang mabuti bago niya makuha ang matamis mong "Oo".Wala nang tatalo sa "woman's instincts" na inborn na sa mga chikas...
Payong kaibigan: Huwag makipagtalo sa babaeng may 'mens'
Hindi na kailangan i-discuss ito eh pero sige patulan na baka may ignorante.Payo ng blog na ito na huwag makipagtalo sa mga babaeng may "menstruation".Nagiging pangit ang resulta ng pag-uusap kapag sinabayan mo ang pagkabadtrip ng syota o crush o misis n'yo.Kinakailangang maging understanding sa sitwasyon.Dagdag pogi points kapag nagmumukhang mature mag-isip ang isang lalake.At malaki ang tyansa na ma-realize ng syota mo na mali ang pinapakitang pag-uugali n'ya tungo sayo.Mahirap na baka sa kusina kayo magtalo tapos makabunot ng panaksak si misis edi patay or nasa construction site kayo nag-away tapos makapulot ng pamalo baka ikaw pa hampasin mahirap na.
"Hate messages"
Alam n'yo mga babs natural lang naman sa isang tao na makaranas ng "galit".Isa 'yang inborn na emosyon na nagpapakita ng pagkadismaya o pagkamuhi.Pero ibang usapan na kapag ang galit eh humahantong sa pagka-ignorante at pagiging tanga.Isang magandang halimbawa nito ang pagpatol sa ganitong mga 'hate messages' na halatang ang tinutumbok lang eh dumaldal ng walang ka-sense-sense na bagay at mag-promote ng diskriminasyon. Ang mga taong nasa matinong pag-iisip hindi na papatulan ang ganitong mga pangungutya.Dahil alam nating marami pa tayong mga assignments at thesis na dapat tapusin at busy tayo sa paghahanda ng ireregalo natin sa ating mga crush sa darating na Valentine's Day.Alam din natin sa ating mga sarili na hindi naman ito mangyayari at hindi naman ito totoo. Kung makakita ng ganitong mensahe, isnabin lang. Kapag pinatulan n'yo ang ganitong mga mensahe babs nagiging utak-ignorante na din kayo at lume-level sa pag-iisip ng naglabas ng "hate message".Babae daw 'yan.Intindihin na lang mga babs baka may 'menstruation'....
Huwag mong basahin ito
Wag mo nang basahin 'to.
Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka. Wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam ng iba na matrip ako. Pero ngayon, seryoso ako sa sinasabi ko na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba 'e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa ako kaya tatapusin kona 'to dahil alam kong madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi ko ng wag mo nang basahin ito. The End.
Approximately 1 minute and 3 seconds ang sinayang mong oras. Congratulations! matigas ang ulo mo.
Note: Dito ko 'yan napulot.
Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka. Wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam ng iba na matrip ako. Pero ngayon, seryoso ako sa sinasabi ko na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba 'e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa ako kaya tatapusin kona 'to dahil alam kong madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi ko ng wag mo nang basahin ito. The End.
Approximately 1 minute and 3 seconds ang sinayang mong oras. Congratulations! matigas ang ulo mo.
Note: Dito ko 'yan napulot.
Payong paaralan: Magaling tumakas
Meron talagang mga pagkakataon na habang nag-aaral kayo para bang inaatake kayo ng katamaran at sobrang pagkabagot lalung-lalo na kung boring ang inihahain na lessons ng guro ninyo.'Yung tipong masasabi mo sa sarili mo na "mas mabuting hindi na lang ako nag-aral at nanonood na lang ako ng cartoons buong araw" mga ganun.Paano na?
Huwag magpanic! Nandito ang blog na ito para lunasan ang nakakamatay na problema n'yong yan.
Isa lang ang sagot namin dyan mga babs. Mag-aral ng "art of escaping" o tumakas.Mahalaga ang skill na ito kapag parang naba-badtrip ka na sa titser mo o mas gugustuhin mong makipagbilyaran sa mga katropa mo.Importante din na hindi ka takot sa heights.Magbaon ng first aid kit kung may mangyaring aksidente.
Sylk's Words of wisdom
Alam n'yo mga babs, hindi naman masama ang makaranas ng negatibong emosyon na tinatawag nating "selos".Ang selos ay isa lamang emosyon na umuusbong dahil sa isa ring negatibong emosyon na kung tawagin natin na "TAKOT".Kapag natatakot ang isang tao, natural na makakaranas ka ng obsesyon na kontrolin ang isang sitwasyon na sa tingin mo eh hindi mo kayang pigilan.Isa lamang 'yang manipestasyon sa kasingit-singitan ng puso mo na wala kang yagbols para magtiwala.Na wala kang self-confidence na pagkatiwalaan ang sarili mo at mga taong nakapaligid sayo.'Yung tipong pa-cool ka pa kahit parang napapariwara na ang image mo sa sinisinta mo.Payo ng blog na ito na kung nagseselos ka sa GF o BF o baklang nagbibigay ng araw-araw na suntento mo, ipakita ang tiwala na binibigay mo noong nagsisimula pa lamang ang inyong relasyon.Banatan ng "nagseselos ako dahil natatakot akong mawala ka" 'yung mga ganun.Hindi nakakabawas ng pogi points 'yun mga babs.Pinapakita mo lang sa chika mo na seryoso ka sa kanya at sa pinupundar ninyong relasyon.Na mas nakakawala ng yagbols kapag kinain ka ng pagseselos mo.
Umay video hits
Ayaw sana naming ilagay ito.Kaso masyadong nakakabahala ang tumataas na bilang ng rape at kung anu-anong krimen na related ang mga manyak sa kanto.Ipinaskil namin ito para lubos na maunawaan ng magagandang chiks ang kanilang kalunos-lunos na kalagayan.Maraming "gintong aral" ang matututunan sa kantang ito.Friendly reminder ng blog na ito na 'wag mai-intimidate sa mga misfitted na mga costume ng mga poser na "gangster".Dahil ang habol lang ng mga 'yan eh ang maka-iskor sa inyo.Ang maka- *tuuut* *tuuut* sa inyo.
Eto ang 'gangster' (si Al Capone 'yan mga babs.I-google na lang kung sino ba siya)
Ito, sertipikadong mga tambay sa kanto
Magsaliksik ng mabuti sa kung ano ang kaibahan ng dalawa.Pwedeng magtanong-tanong sa kinauukulan.
Sylk's Words of wisdom
Kung hindi ka matalino eh ano naman? Kahit na hindi ka matalino meron ka paring puwang dito sa mundo. Hindi mo kinakailangan magpakamatay dahil sa hindi ka nakainom ng gatas na produkto ng "WYETH" noong sanggol ka pa lamang na may pangakong tatalino ka kapag nilaklak mo ang isang lata nito.Alam n'yo mga babs ang mga achievers at pagiging matalino ay hindi sukatan kung magtatagumpay ka sa buhay mo.Kapal ng apog at lakas lang ng loob ang kinakailangan.Hindi mo na rin kailangang sisihin ang mga magulang mo kung bakit ganyan kababa ang I.Q. mo.Sisihin mo ang mga taong tinatapakan ang pagkatao mo dahil sa sinasabi nilang bobo ka.'Yung mga taong nandidiri sayo na animoy mahahawahan mo sila ng 'sakit' mo kuno na ina-assume lang pala nila.'Yung mga taong binu-bully ka dahil sabi nila bobo ka daw.Alam mo mas maswerte ka pa sa kanila.Dahil ang 'pagiging slow' eh nalulunasan ng pagsisikap.Pero ang pagiging arogante at mapangmataas ng mga 'yan eh wala nang lunas.Kahit na Penicillin o Amoxicillin o bakuna pa ng baboy hindi kaya 'yan.Mas malala pa 'yan sa AIDS mga babs....
Payong kaibigan: Iwasan ang "Friendzone"
Naranasan n'yo na bang magkaroon ng kaibigan na habang tumagal eh nahulog na ang loob mo sa kanya?
O hindi kaya nagkalapit kayo ng crush mo at naging bestfriend kayo?
O hindi kaya meron kang crush tapos parang naging gatasan ka lang n'ya ng sagot sa exam?
Ang twist lang eh ang tingin lang ng crush mo sayo eh parang kaibigan lang o hindi kaya parang kapatid lang.
Crush mo pa naman sya noon pang mga grade 1 pa kayo tapos ang tingin lang pala sayo eh kaibigan lang.Mapapamura ka diba? Anak ng!
Pero don't panic mga guys.Nandito ang blog na ito para bigyan kayo ng solusyon sa ganyang mga problema.
Baka na-"FRIENDZONE" ka na! Delikado 'yan mga babs.Wala talagang patutunguhan 'yang relasyon ninyo except na kung magkamilagro o pagpalain ka ng mga anito sa kabundukan.
Payo namin sa ganyang problema eh takasan na 'yan hanggang maaga pa.Wala kayong mapapala dyan mga babs.Aabot lang sa punto na aasa ka ng aasa tapos wala ka namang mapapala.Hassle kaya 'yan.Imbes na gamitin ang oras sa pag-asa sa babae na tingin lang sayo eh kaibigan lang o taga-supply lang sagot sa exams o tagagawa ng project eh gamitin ang oras para makapag-DOTA o hindi kaya manood ng porn sa internet cafe.May bago daw scandal ngayon.'Yung "Ramgen Revilla sex scandal".'Yun na lang ang pagka-abalahan.
Juan Dela Cruz na nagtatagalog
Isa sa pinakaaabangan ng masang pilipino ang nangyayaring Impeachment ngayon sa Senado ay hindi mismo ang resulta.Mas nananabik pa ang taumbayan sa tuwing magsasalita at magpapahayag ng kanyang saloobin si Sen. Lito Lapid tungkol sa Impeachment.Parang isang napakalaking 'breaking news' pa ang pagtatanong ni Sen. Lapid sa mga witnesses ikumpara sa mga ibinibigay mismo ng ebidensya na importante sa paggulong ng kaso.Teka bakit ba tayo ganito kapraning sa tuwing naglalatag ng kanyang mga agam-agam si Sen.Lapid? Dahil ba artista s'ya? Dahil ba meron siyang bigote? Dahil ba brown 'yung kulay nya? Dahil ba meron s'yang asawang nahuling merong ipit sa *tuut* *tuut* na malaking halaga ng pera?
Tama! Dahil siya lang ang Senador na hindi masyadong bihasa sa wikang ingles.
Teka, magbalik-tanaw tayo sa buhay ni Sen.Lapid.Long, long time ago.....'wag na nga lang.Tinatamad ako.Next time na lang.Ang importante eh nasabi ko na.
Alam natin sa mga sarili natin na hindi nga siya marunong o kung marunong man, hindi n'ya masyadong kabisado ang ligaw ng dila na gamit na lingwahe ng mga konyo o konya.Ang totoo kaya natin inaabangan lahat ng speech na ginagawa ni Sen.Lapid dahil siya lang ang tanging senador na nagtatagalog sa Senado.At ang Senado ay isang lugar na kung saan parang kinakailangan mong gumamit ng ingles sa ayaw mo man o sa hindi.Bagamat walang batas na nagsasaad na paparusahan ka kung gagamit ka ng tagalog sa Senado, parang ma-oobliga ka na lang sa sarili mo na gumamit kahit parang naiilang ka.Na parang tatae ka sa tuwing naririnig mo ang sarili mong nag-i-ingles kahit labag sa kalooban mo.Sa kaso ni Sen. Lapid, parang ganoon ang nangyayari.Nandoon 'yung konting pangungutya dahil sa kasingit-singitan ng ating puso, gusto natin ng konting 'entertainment' sa Senado na ibibigay ni Sen.Lapid sa pamamagitan ng pagkakamali na kanyang gagawin.Ooops, ooops, hindi ko sinabing nangungutya kayo ha.Hindi ko rin sinabi na bobo ang nagtatagalog sa isang lugar na parang required ka na mag-ingles.Binasa n'yo eh baka nga guilty kayo..
Sa bansang ito nagiging uri ng diskriminasyon ang mali-maling paggamit ng wikang ingles.Kung tutuusin hindi naman talaga ginawa ang ating dila para kabisaduhin kung papaano magsalita ang mga dayuhan at hindi tayo ipinanganak ng ating mga magulang para maging idol natin si Justin Bieber o si Chuck Norris o si Mang Kanor na may tinirang menor de edad.Ang tingin kasi natin sa mga taong nag-i-ingles eh parang ang talino nila.Na kapag maluwalhati mong mabigkas ang mga salitang "Hey Joe" o "Baby, baby, baby oh!!" sa banyo eh mukha ka nang cool.Prangkahin ko kayo ha, nagmumukha kayong mga gago.Kaya nga siguro hindi tayo nagkakaiintindihan at nagkakaunawaandahil merong iba na 'pa-cool' sa pag-i-ingles habang ang iba eh hindi masyadong nauunawaan ang wikang ginagamit nila.Sa dinami-dami ng wika ng ating bansa eh sisingit pa ang wika ng mga banyaga na lubos na nagpapagulo sa ating mga utak.Ang tingin kasi ng lipunan na ating kinabibilangan eh kapag marunong kang mag-english, may future ka.Wala namang nagsabi sa atin na kapag bihasa kang mag-english, may future ka.Parang ina-aasume lang natin sa ating mga sarili na itong wika na ito ang magsasalba sa atin sa kahirapan.Na kapag nagtatagalog ka lang o nagbibisaya wala kang future.Oo nga ano, mas mabuti na magpakulay na din tayo ng buhok na katulad sa mga amerikano at mag-almusal na din tayo ng tinapay at peanut butter sa umaga.
Teka ano ba ang punto ko? Wala lang.Share ko lang itong kaunting nilimbag ko.Wala naman talaga akong intensyon na hamakin ang wika ng ibang lahi o kung sino pa man.Baka nga siguro guilty tayo sa nangyayari sa ating bansa.Na kaya hindi umuunlad tayo dahil tayo mismo hindi nagkaka-unawaan kung ano ba talaga ang lingwaheng nararapat nating gamitin.Na sa kaibuturan ng ating mga heart eh we owe ating life sa foreigners..
Sylk's Words of wisdom
"Kadalasan binibigyan lang natin ng pagpupugay ang isang tao kung patay na siya, kapag nanalo siya ng lotto o hindi kaya ililibre ka ng kwek-kwek sa kanto.Hindi dapat sa ganitong paraan natin ina-admire ang isang tao, kung hindi ang 'dahilan' mismo kung bakit siya nandyan sa tabi mo".
Pakisagot naman
Marami na akong nakitang mga larawan na may ipit na tanong katulad nito.Bagamat walang ka-sense sense sagutan mapipilitan ka na lang dahil natatakot kang manganak pa ang ganitong mga tanong sa hinaharap.'Yung tipong parang bigla na lang silang sisigaw sa isang lugar na animoy parang nag-aamok pero joke lang pala.Dahil concern ang blog na ito sa ganitong mga tanong, sasagutan namin 'yan.Natatakot din kasi kami na dahil sa larawan na ito baka magambala nito ang takbo at ikot ng solar system at ma-corrupt ang inosente at murang isipan ng kabataan.
Question: MGA DRE PANO Q BA MAPAPAHABA ANG T*T* NG 9 INCHES???? PAKISAGOT NAMAN MGA DRE...
Ito ang mga sagot namin:
-Adjust mo 'yung ruler, simulan mo sa 5 inches.
-Kuha ka ng laman sa bandang pwet mo tapos i-scotch tape o i-staple mo sa t*t* mo.Kinakailangang sukatin muna kung gaano kahaba ang t*t* tapos sukatin kung gaano kahaba ang kukuning taba sa pwet.
-'Magparaos' kada 5 oras sa palikuran.Importanteng magdala ng mga babasahin para hindi ka mabagot.
-Kumain ng maraming 'siling espada'.'Yung mahabang sili 'wag 'yung maliit na sili.Baka lumiit pa 'yan lalo.
-Uminom ng mga food supplements na related sa pagpapahaba ng t*t*.Epektib 'yan.
-Maghamon ng suntukan sa mga lasenggo sa kanto tapos bigyan sila ng pamalo.Salagin lahat ng atake nila.Magpa-ospital pagkatapos..
Options lang 'yan mga babs.Kung problema n'yo din ang problemang nararanasan ng lalakeng nagtatanong sa larawan, baka 'yan na ang hinihintay n'yong kasagutan.Buti na lang at nandito kami.Huwag na kayong magpasalamat, ilibre n'yo na lang kami ng isaw sa kanto kung mamataan n'yo kami.
Question: MGA DRE PANO Q BA MAPAPAHABA ANG T*T* NG 9 INCHES???? PAKISAGOT NAMAN MGA DRE...
Ito ang mga sagot namin:
-Adjust mo 'yung ruler, simulan mo sa 5 inches.
-Kuha ka ng laman sa bandang pwet mo tapos i-scotch tape o i-staple mo sa t*t* mo.Kinakailangang sukatin muna kung gaano kahaba ang t*t* tapos sukatin kung gaano kahaba ang kukuning taba sa pwet.
-'Magparaos' kada 5 oras sa palikuran.Importanteng magdala ng mga babasahin para hindi ka mabagot.
-Kumain ng maraming 'siling espada'.'Yung mahabang sili 'wag 'yung maliit na sili.Baka lumiit pa 'yan lalo.
-Uminom ng mga food supplements na related sa pagpapahaba ng t*t*.Epektib 'yan.
-Maghamon ng suntukan sa mga lasenggo sa kanto tapos bigyan sila ng pamalo.Salagin lahat ng atake nila.Magpa-ospital pagkatapos..
Options lang 'yan mga babs.Kung problema n'yo din ang problemang nararanasan ng lalakeng nagtatanong sa larawan, baka 'yan na ang hinihintay n'yong kasagutan.Buti na lang at nandito kami.Huwag na kayong magpasalamat, ilibre n'yo na lang kami ng isaw sa kanto kung mamataan n'yo kami.
Payong inuman: Huwag matulog
Isa sa mga unang batas na dapat sundin sa tuwing sasabak kayo sa umaatikabong inuman kasama ng mga kabarkada ninyo ang "huwag matulog rule".Napapansin ko kasi na manaka-nakang mga larawan ang naipo-post sa internet na ifene-feature ang mga lasing na pinagtripan ng kapwa nila lasing.Kinokondena ng blog na ito ang ganitong mga gawain at lubos kaming nakikiramay sa lahat ng napagtripan, pinagtripan, at pagtritripan pa lamang.Isa sa mga magandang halimbawa ang mga sumusunod kung ano ang pwedeng mangyari sayo kung lalabagin mo ang nasabing "rule"...
Libreng paligo
Libreng make-up na may "free tattoo"
Paglalamayan ka na kahit tulog ka lang....
Kodak moments..
Kung ayaw ninyong maranasan ang mga nasa larawan, sundin lang ang "rule".Hindi option ang maging engot at mangmang sa ganitong scenario.Pero mas angkop talaga na huwag na lang uminom para hindi "maka-iskor" ang ma-trip mong mga kabarkada.Ikaw rin baka pagsisihan mo sa bandang huli.Baka makita pa ng crush mong chiks ang larawan baka ma-turn off sayo.Baka wala ka pang maka-date ngayong Valentines day dahil dito.
What IF?
Kung alam mong gamitin ang salitang ito, may future ka.Kadalasan nagagamit ang salitang ito kung patay-malisya kang may intensyon sa babae o meron kang gusto pero ina-assume mo na wala kang pake.Dahil situational ang salita na ito, masyadong itong 'handy' gamitin at parang nandoon ang aspeto na hindi ka guilty.Kumbaga wala itong kaakibat na responsibilidad kasi nga para mo na ring sinabi na "joke lang" kapag ginagamit mo ito.At dahil malapit na ang "Valentines Day", pwedeng gamitin ang mala-anitong kapangyarihan ng "WHAT IF" sa didiskartehang chiks.
Kunware may gusto kang chiks pero nagdadalawang-isip ka kasi baka i-reject n'ya yang nararamdaman mo:
'WHAT IF' manliligaw ako sayo? OK lang ba?
Kung ang sagot ay "OO", pwede nang diskartehan.
Pero kung ang sagot eh "HINDI" tapos blah blah blah...
Eto ang isagot:
'WHAT IF' lang naman eh.Hindi ka na mabiro.
Kunware gusto mo s'yang ilabas pero baka ayawan ka n'ya dahil mukha kang manyakis:
'WHAT IF' kung i-date kita ngayong Valentines Day, OK lang ba?
Kung ang sagot eh "OO", chance mo na 'yan para maka-iskor.
Kung ang sagot naman eh "HINDI" kasi blah blah blah...
Ganito ang ibanat:
'WHAT IF' lang naman eh.May ka-date kaya ako sa Valentines Day.
Ang essence talaga ng salitang ito ay para takasan ang sitwasyon na panget o hindi kaaya-aya.Gawing guide ang mga halimbawa sa taas para sa gusto mong babae.Merong ibang babae na nag-aantay lang ng 1st move para mapagbigyan ka.Malay mo baka kursunada ka rin ng chiks, tanga ka lang.
Maawa naman kayo
Sa mga nag-edit ng video na ito, KUDOS para sa inyo.Kahit parang halatang-halata masyado na inedit nga ito, pinagmukha n'yo naman 'tong tao na ito sa video na maralita at kaisa ng masang pilipino.Na nararamdaman n'ya ang paghihirap ng bawat isa sa atin.
Sylk's Words of wisdom
Ano kung crush mo ang isang babae pero wala ka namang lakas ng loob?
Kahit na ang crush mo pa eh si Angel Locsin o 'yung tindera ng ulam sa kanto, crush pa rin 'yan.Walang mangyayari.
Bago na muna mag-imagine ng kung ano-ano sa babaeng gustong-gusto mo, itanong na muna sa sarili ang mga easy-to-follow questions kung may bayag ka talaga....
Crush mo nga siya, seseryosohin mo ba ang nararamdaman mo?
Kung magseseryoso ka ba, manliligaw ka ba sa kanya?
Kung manliligaw ka sa kanya, sasagutin ka ba niya?
Kung sasagutin ka niya, magsasama ba kayo parati?
Kung magsasama kayo parati, mapapatawa mo ba siya?
Kung mapapatawa mo siya, mahahatid-sundo mo ba siya palagi?
Kung mahahatid-sundo mo siya palagi, may pera ka ba?
Kung may pera ka ba, may pang 'regular yum' ka pa ba?
Kung may 'regular 'yum' ka, may pang-softdrinks ka pa ba?
Pagkatapos mong uminom at kumain, magte-text ba siya?
Kung magte-text siya sayo, sigurado ka bang taos-puso at may feelings ba 'yan?
Kung taos-puso at may feelings ang text n'ya sayo, magiging mag-asawa na ba kayo pagkatapos?
Kung magiging asawa mo siya, magtatagal ba kayo?
Kung magtatagal kayo, magkaka-anak ba kayo?
Kung magkaka-anak ba kayo, sigurado ka bang good boy or good girl ang ugali n'yan?Paano kung napakakulit n'yan tapos atakehin ka sa puso, paano na ang pamilya mo?
Kung sa unang question pa lang eh bagsak ka na, marami ka pang dapat matutunan....Ops ops, bawal magmura.Masama sa kalusugan mga babs...
Marketing tips
Mas malakas talaga ang impact ng trip kapag ginamit ang mga talata at bersikulo ng bibliya o kung ano mang mga bagay na related sa relihiyon.Sa larawan, dapat purihin ang marketing manager dahil sa trip na ito.Ito 'yung mga trip na may "kagat" at magmamarka talaga sa utak ng mga sumasamba kay Jesus Christ...
Para sa mga nakakaranas ng "Depression"
Meron talagang pagkakataon sa buhay mo na kakainin ka ng 'depression'.'Yung tipong parang ayaw mo nang mabuhay dahil sa iba-iba at magkakasalungat na mga rason.Isa itong mental state na walang gamot na makakalunas at tanging oras lang at mala-pantas na mga payo ang solusyon.Merong iba na nade-depressed dahil nagkaproblema sa trabaho.Meron din namang iba na dahil sa 'peer pressure' na kanilang nararanasan sa kanilang grupo na kinabibilangan.Meron ding iba na dahil sa kahirapan.Dito sa bansa natin, kadalasan na nahuhulog sa kahirapan, pisikal na anyo at kwentong pag-ibig ang sanhi kung bakit umuusbong ang depresyon ng isang tao.Ayaw kong palalimin ang topic na ito dahil nakakatamad magsermon ng isang bagay na negatibo na ang magiging finish product lang eh malalim na pagtatanong sa sarili kong nakakaranas ba ako nito.
Hindi gamot ang pagmumukmok o pagpo-post sa Facebook status mo na under deep depression ka.Hindi din gamot sa depresyon ang pagkalulong sa mga masasamang bisyo at lalong hindi din solusyon ang magdamagang panonood ng porno sa mga internet shops.Ang tanging mapapayo ko lang sa inyo mga babs eh 'wag n'yong sayangin ang oras sa kakaisip na mahirap lusutan ang problema mo.Tandaan, lahat ng problema ay may solusyon at hindi solusyon ang pagiging 'EMO' ng isang tao.Kunware sa trabaho, nape-pressure ka dahil parati kang pinapagalitan ng boss mo.Baka 'calling' mo na 'yan na hindi angkop ang pinasukan mong trabaho sa takbo at mekanismo ng katawan mo.Maghanap ng trabaho na 'friendly' 'yung dating at swak sa panlasa.Kung walang pera, gamitin ang imagination at creativity.Mas malaki ang lamang ng mga taong may talent sa aspeto na ito.Pwede ring mangutang ng puhunan para magpatayo ng maliit na negosyo o sari-sari store 'wag lang tirahin ang paninda para hindi malugi.Pagdating sa problema sa pag-ibig, mahirap magkomento dito. Aminado ako mismo na hindi ko pa nararanasan ang umibig at ibigin at vice-versa (naks, in denial pa ang gago). Ito lang ang mapapayo ko dito, bagamat matagal maghilom ang sugat ng break-up o tampuhan sessions ng dati mong GF/BF, hindi ibig sabihin n'yan titigil na ang takbo ng mundo.Magsasaing, tatae, at magte-tetris battle ka parin at habang buhay bagaman patay ang diwa, magche-check ka parin ng status ng Facebook mo.Ituon ang 'yung atensyon sa mga bagay na magpipilit sayo na maging busy ka.Sa mga magtatangkang magsuicide, wag nang ituloy mag-iiwan lang kayo ng problema sa pamilya ninyo.Paano na ang pambili ng kabaong? 'Yung libreng biskwet na ipapamahagi tuwing gabi ng iyong lamay sino ang bibili? 'Yung ipambabayad sa taong dadasalan ang bangkay mo sino ang magbabayad? Paano na ang tent para sa mga bisita saan kukuha? Sinong bibili ng barong-tagalog mo na isusuot mo kapag patay ka na? Paano kung tuksuhin ka ni San Pedro sa langit na talunan ka nakakahiya diba?Hindi praktikal ang magpakamatay sa panahon na ito.Magmumukha ka lang gago kung ginawa mo 'yan.Parte ng buhay ang mga problema bagamat mahirap minsan, kailangan harapin para tumatag ka.Malay n'yo baka sa hinaharap maging isa kayong matagumpay na tao sa larangan na pipiliin ninyo kaya hassle ang magpakamatay.Sa mga taong nakakabasa nito pero nag-suicide parin, MIDDLE FINGER UP SALUTE para sa inyo.Sa mga nakabasa nito pero depressed parin, basahin ulit baka meron kayong na-miss.Sa mga nabasa na nito at na-inspire sa 'wordplay' kong ito, SALUDO ako sa inyo.Laban lang, masyadong makulay itong mundo para tapusin lang ng isang kutsilyong ginagamit sa kusina...
Umay video hits
Eto ang nangyayari kapag sobrang tinamad ka na sa buhay mo.Gagawa ka na lang ng katarantaduhan for the benefit sa mga nangangailangan.Nangangailagan ng taong pwede nilang sisihin kung bakit sila nabuhay dito sa mundo.Bawal magmura, masama sa kalusugan mga babs...
Sylk's Gintong-aral
"Ang pagsuko sa isang bagay ay hindi nangangahulugan na gusto mong tumakas o iwasan ang isang responsibilidad.At hindi din ito nangangahulugan na ayaw mo na. Isa lamang 'yang sinyales na gusto mong tumahak ng isang landas na sa tingin mo eh makakabuti sa'yo."
'Yang tungkol sa larawan sa taas, 'wag nang pansinin.Pati nga ako naguluhan dyan.Meron bang taong naghuhukay ng kayamanan na naka-americana? Tsaka bakit walang dalang pala 'yang mga 'yan?Bakit blue ang mga diamonds sa larawan eh transparent 'yan? Bakit walang mga protective gear 'yang mga naghuhukay? Eh kung maglindol bigla tapos mahulugan ang ulo nila ng bato paano na? Magugutom ang pamilya nila tapos gobyerno na naman ang sisisihin.Pagkatapos iba-ban na naman ng gobyerno ang mining ETC...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)